Chapter 26: Choice

284 30 14
                                    

Steven's POV

Maya maya ay dumating na rin sina Tito Edgar, Tita Cynthia, Tito Allan and Tita Veron dito sa mall. After naming bumili ng phones sa mall naglibot libot muna kami at kumain.

Hindi rin maiwasan na mapapasulyap ako kay Denise. Kaso every time na mapagmasdan ko siya, puro sakit lang ang maaalala ko. Oo matagal kami at masaya kami sa mga panahong iyon pero  sa sobrang sakit ng ginawa niya, na balewala na ang mga masasayang alaala namin. Masaya na talaga ako ngayon with Rita. Siya lang ang babaeng bumabaliw sa akin. Hindi ko akalain na mararamdaman ko pa ulit ito.

Pero ngayong nandito na ulit si Denise, gusto kong matapos na itong lahat na nararamdaman ko. Gusto ko ng patawarin ang sarili ko. Gusto ko ng marinig ang mga dahilan niya at kung hihingi nga ba siya ng tawad.

Iba pala ang feeling at sakit kapag na basted ka. Mas matatanggap ko pa noong nanliligaw pa lang ako pero hindi eh. Sinagot niya ako. We made a life out of love together. Kaya naniniwala na ako na hindi sapat ang pag-ibig para magtagal ang dalawang tao. Love is not a feeling but a choice. Love is not just purely emotions and attachment but beyond that. A lot of changes can happen in just a snap of a finger. Kaya kung may mamahalin ka, hindi lang kilig ang pinapairal. Yung desidido ka talaga na pananagutan mo yung choice mo habang buhay.

"Babe..."  Rita pulled me habang naglalakad lakad kami sa mall. Nasa likod kami nina Ken, Ella at Denise.

"Yes baby?"

"Mag usap kayo ni Denise mamaya ha?"

Hindi ako makapaniwala na kay Rita pa mismo manggaling yun.

"Kaya mo na ba?" She added.

I gave her a smile.

"Oo babe. I think its about time na rin."

"Good." She smiled at me.

May halong kaba at takot akong naramdaman. Matagal din na hindi kami nagkita. Sana maging okay ang lahat mamaya.

------

Noong dumating na kami sa bahay nina Rita ay agad na umakyat si Ken at Ella. Sa likod lang namin si Denise.

"Denise, halika" Rita said

Pumunta kami sa garden area.

"Iwan ko na kayo dito ha. Akyat ka na lang mamaya babe."

"Sige babe...ay babe!"

"Yes?"

I walked toward her and gently put her hair behind her ears and said

"Thank you!"

She just nodded and smiled at umakyat na.

Daniela's POV

Ken decided to sleep here sa amin. Habang nag uusap sina Denise at Steven sa baba, ate Ta is here with us sa room. Maglalaro muna kami ng Uno.

"Ate Ta? Sigurado ka ba na ok lang sayo na nag uusap si Steven at Denise sa baba?"

"Mukang ok naman yung Denise. Pero kinakabahan pa rin ako kasi baka gusto niya pa rin itong si Ken."

"Ay hindi naman ako papayag diyan ate. Haha"

"Alam mo Ta, mahal, mabuting kaibigan naman yang si Denise. Kaso baka marami lang sekreto na hindi natin alam. Kami nga close pero hindi ko alam dati yung tungkol sa kanila ni kuya. Hintayin na lang natin silang matapos ok? Wag kayong praning"

"Ok po ser" pabiro kong sabi at kiniliti niya na naman ako.

"Ay grabe sa harap ko talaga. Respeto naman guys" pabirong sabi ni ate Ta.

The CrossoverOnde as histórias ganham vida. Descobre agora