Chapter 29: New Rita

279 22 4
                                    

Daniela's POV

Naalala ko ang pangako ko kay ate noon na hinding hindi ko sasabihin ang sekreto niya. Una nagalit ako sa kanya kasi hindi ko maintindihan kung bakit. Bakit niya ba kailangan gawin to? Na gi-guilty na ako minsan kaso aside sa busy sina mommy at daddy eh hindi na rin nila kami nakakamusta minsan.

Pero nung nakita ko kung gaano si ate kasaya na wala siyang pino problema, nung nakita ko na mas nag improve yung health niya at naging maganda ang study habits niya, hinayaan ko na lang.

Kaso eto na. Dumating na ang panahon na nalaman ng lahat. I feel so bad na napabayaan ko si ate. Na nangako ako na sasamahan ko siya through thick and thin but somehow we grew... we matured... we learned... and we learned how to love too.

I am thankful na dumating si Ken at Steven sa buhay namin. At least, I finally saw ate Ta being this happy. Yeah it wasn't easy at first. Mas una kong minahal si Steven eh. Pero nangyari na ang nangyari. And I love Ken now.

Halata na alalang alala si Ken kay ate. Nakikita ko sa malayo kung paano niya tinititigan si ate. I can't blame him. He has always been ate Ta's savior.

Dalawa lang ang allowed na visitor na matulog dito kay ate sa private room ng hospital.

"Oh paano ba yan?" Sabi ni mommy.

"Ako syempre I want to stay."
Sagot ko kay mommy

"Then fine dalawa na kayo ni Steven dito. Maaga pa kami bukas kasi sabi ni Doc Manuel nandyan na bukas ang results."

"Mahal...pahinga ka na lang kaya? Ako na lang sasama kay kuya dito." Biglang sabi ni Ken.

"Sigurado ka?"

"Oo. Para makapag palit ka ng damit at makatulog ng komportable. Sige na kaya na namin ni kuya dito."

"Ken baka hanapin ka ni tito Allan at tita Veron." Sabi naman ni ate Ta sa kanya.

"Hindi. Alam naman nila na nandito ako."

Nakita ko na parang gusto talaga ni Ken na magpaiwan dito hindi ko alam kung bakit. Pero kanina pa kasi siya hindi mapakali eh kaya hinayaan ko na.

"Edi sige. Balik na lang kami dito bukas ng umaga dalhan ko na lang kayo ng mga damit."

"Sige mahal...salamat."

"Goodnight."

"Goodnight" he gave me a smack on the pips and embraced me.

"Goodnight ate!"
Nilapitan ko si ate at niyakap at hinalikan sa pisngi.

"Sleep well ha?" She nodded and smiled.
Mom and dad did the same.

"Ok gentleman, kayo na bahala sa princess Rita ko tonight. Be nice ha."

"Opo tito. Ingat po kayo."

"Bye mom, dad, ella! Goodnight! See you tomorrow morning!"

"Bye!!"

Ken's POV

"Oh ok ka lang babe?"

"Babe? Help me. I need to use the bathroom."

"Sige wait lang."

Tumayo lang ako at ngumiti kay Rita habang inalalayan siya ni kuya. Ang ganda nilang tingnan. Napapangiti din ako. Nakikita ko rin kasi kami ni Ella sa kanila.

Its only five days left before I leave and ito pa ang nangyari. Parang ayaw ko na umalis. Gusto ko nandito lang ako sa pamilyang to. Masyado ng marami ang nangyari. Gusto ko nandyan ako palagi si tabi ni Ella at Rita.

The CrossoverWhere stories live. Discover now