Chapter 21: Pretend

325 30 27
                                    

Ken's POV

"Ta?"

Nakita kong habang naka higa ito ay tumutulo na pala ang mga luha nito.

"Hala umiiyak ka ba?"

"Ken, I freakin' miss Steven so much."
At patuloy na itong humagulgol. Nilapitan ko ito at umupo naman ito para salubungin ang yakap ko.

"Ssshhh...tahan na Ta. Apat na araw lang yun Ta. Mabilis lang yun. Don't worry makikita mo na rin si kuya."

"Happy naman ako na safe at ok sila. Ang hirap pala pag na mimiss mo."

"Oo sobra. Ako nga rin miss ko na rin si Ella. Pero alam mo ba Ta, tuwing nakikita kita parang nandito na rin siya."

Tumingala ito sa akin. Pinunasan niya ang mga luha niya at napangiti.

"Gosh, you're right Ken!"

"Huh? What about it?"

"Iisipin ko na lang na may balbas ka haha kamukha din kayo eh. Parang nandito na rin siya."

"Ehemm!" I cleared my throat and changed my voice at ginaya ko si kuya.

"Ano, Ta? Saan mo gusto pumunta? Dadalhin kita saan man yan sabihin mo lang!"

"Hahahaha! Hala ang galing! Nice one Ken!"

"Oh diba napasaya kita kahit papano."

"Oo nga eh. Thank you ha. But sorry baka hindi ko kayang gayahin si Ella. Paano ba siya makikipag usap sayo? Same lang ba sa pakikipag usap niya sa amin?"

"Oo natural lang. Medyo soft."

"Like this? (Ginaya din ni Rita ang boses ni Ella) Uhm, Ken, do you want to see my drawings?"

"Hahaha! Nice! In fairness, kuhang kuha mo din ha"

"Di nga?"

"Haha oo sabi"

"Its a good thing na kaya nating mag pretend kahit ngayon lang. Maibsan man lang ang lungkot na to. Hay..."

"Kaya't wag ka nang mag-alala at malungkot diyan Ta. I'm sure miss ka rin ni kuya."

"Salamat Ken ha? You always make sure that I'm ok. Savior talaga kita ever since."

"You are most welcome, Ta."

"Hindi ka pa ba inaantok, Ken?"

"More like pagod than antok. Pero parang ganun na rin haha."

"Ako rin eh. Ok lang bang sumandal muna ako sayo, Ken? Natatakot talaga ako mag-isa ngayon simula nung nangyari kahapon."

"Ok lang Ta. I understand. Tsaka wala namang magiging problema eh. Tsaka natulog nga tayo sa iisang tent diba?"

Umangat siya ng tingin sa akin at ngumiti.

"Oo nga pala no. Nagulat nga ako na nakayakap ka pag gising ko. Mabuti at komportable ako sayo. Ikaw ba Ken hindi ka ba naiilang?"

"Hala nakayakap ako?"

"Oo kaya"

"Haha. Well, bakit naman ako maiilang? Eh ikaw yung pinaka gusto kong makita pag uwi ko dito. Kaso nga lang...as a friend na lang pala. Ang lalim kaya ng friendship natin no? May history tayo."

"Tama. Future brother-in-law kita eh. Naks!"

"Haha naks!"

"Ken? Goodnight nandyan na siya."

"Sino?"

"Yung antok ko"

"Aysus akala ko naman kung ano."

The CrossoverWhere stories live. Discover now