Chapter 14: Old and New

376 32 7
                                    

Ken's POV

I really wanted to know kung bakit malungkot si Ella. Kaso I can sense na hindi pa ito ready na i-share sa akin. Paano ba siya sinaktan ni Steven? I'm really curious.

Kahit na sinuntok ako nun, he apologized naman at naramdaman ko na sincere naman ang pag hingi niya ng tawad. At saka ok naman siyang kausap. We both like the same basketball player -Carmelo Anthony. May similarities din kami like laging maagang magising at organizing. Kaya hindi ko talaga gets paano niya nasaktan si Ella.

Naalala ko ang mga tanong niya kanina sa Esplanade. Bumalik yung "change of heart" sa isipan ko. Oo nga hindi pa siya sinasagot tapos na ekis na siya agad. So meaning, may nagustuhan ba siyang iba? Tsk. Nanliligaw tapos nagkagusto sa iba? Parang impossible naman yun. Bakit ko ba to iniisip. Hay.

I just did my best to comfort her today because yun ang favor niya at ng ate Ta niya.

"Do you like ate Ta?" she just suddenly asked still her head resting on my shoulder.

"Uhm...well she is special cause childhood playmates kami. Well kayong dalawa actually."

"Pero mas special siya diba? Syempre sinagip mo siya noon sa ilog eh."

"Hindi ko talaga malilimutan yun. Grabe yung nangyari noon noh?"

"Kaya nga. Thank you for saving her."

"Ella, I've saved her before but I think now it is you who needs my help."

"Huh?!" Nagulat ito sa sinabi ko at tiningnan niya akong maigi.

I came closer to her.

"I can see it in your eyes...you're lonely ...you're drowning... Ella, don't let the strong current take you away. Don't focus on the circumstance but focus on the word hope. May pag-asa ka pang umalis sa sitwasyon na yan. Wag ka magpalamon."

I saw her smirk.

"Believe me Ken, mas gusto ko na lang magpalamon sa anod at malunod sang sa araw araw maaalala ko yung sakit na dinanas ko."

"But others want to help...I am here."

"Bakit? Ano naman ang maitutulong mo?" she curiously asked.

"In a scale of 1-10, gaano ba kasakit yung dinanas mo?"

"You have no idea Ken. No amount of measurement could weigh the heartache I just endured. Napaka one-of-a-kind nito."

When Ella said that, I felt her pain. Gosh the cut must be so deep. I am so curious ano ba talaga ang ginawa ni Steven sa kanya.

Taas baba kong hinawakan ko ang braso niya to comfort her at hinawakan ko ang pisngi niya.

"Ella, alam mo ba, you have the most beautiful smile that I have ever seen. Sana wag mawala yan. Sana wag mong hayaan ang sakit na manatili sa puso mo. I might not know what happened or how severe the pain that caused you to be this lonely. But learn to let go of the pain and let just karma strike back sa nanakit sayo and just be free. You deserve to be happy."

Unti unting tumulo ang mga luha ni Ella at agad ko itong niyakap.

"Alam mo ba na ayaw ko mag boyfriend? Si Steven yung unang lalaki na nanligaw sa akin. Siguro sign na to na hindi talaga ako ready sa isang relasyon. Masasaktan lang ako."

"Pero natuto ka. Minsan, kailangan din nating masaktan at makaramdam ng sakit para maging marunong na tayong mag simpatya sa iba at para hindi na natin nanaisin na masaktan muli. Sa bawat pagdapa, ay may pag bangon."

"Alam mo Ken, ganyan din ako sa mga kaibigan ko. Taga payo. Pero kung ako na ang nangangailangan ng payo, wala. Mabuti at nandito ka."

"Its a pleasure."

The CrossoverWhere stories live. Discover now