Chapter 5: Bothered

330 26 16
                                    

Daniela's POV

Wala akong ibang iniisip habang niluluto ang noodles ni ate aside from gumaling na sana ito agad. Sa amin kasing dalawa, si ate Ta talaga ang sakitin.

Laking tuwa ko na napaka gentleman ni Steven at mukang alala siya kay ate. Yan. Yan ang mga lalaki na dapat jino-jowa. Yung may malasakit din sa pamilya mo. Pero assuming naman ako. Asa pa ako na ligawan ni Steven. Pero umaasa ng slight haha.

Nilagay ko na sa bowl ang noodles na niluto ko para kay ate at kumuha ng dalawang loaf ng tinapay. Nilagay ko na sa isang tray at dahan dahan na binitbit pataas.

"Ay maam ako na po."

"Ako na lang ate Len ok lang. Salamat"

-

"Ate, eto na ang noodles mo."

Nagulat akong makita na hawak na ni Steven ang ulo ni ate. Minamasahe niya ata ito. Pero parang nagulat silang dalawa sa pag pasok ko.

"Ay sorry nakatulog ka na ba kanina ate?"

"Hi-hindi...nakapikit lang. Ang galing kasi ni Steven mag masahe eh."

"Naks. Minasahe mo pa talaga si ate ah. Salamat Steven ah"

Tinulungan niya naman ako sa bitbit ko para ilagay sa bedside table.

"Ate kain ka na para maka inom ka ng gamot at ng makatulog na."

"Sige salamat Ella ha."

"Subuan na kita ate."

"Hindi ako na kaya ko pa naman."

"Sigurado ka ate?"

Inupo niya naman ang sarili niya at inalayan ko siya.

"Oo naman. You can leave me na. Sayang ang punta ni Steven pag dito lang kayo magmukmok kasama ko. Maghapunan na kayo sa baba"

"Sure ka ate ha?"

"Yes I'll be fine here. Salamat."

"Sige. Tara na Steven"

"Magpagaling ka Rita ha"
sabi naman ni Steven kay ate.

Tumango lang si ate at binigyan ng ngiti si Steven habang kinuha na ang noodles niya para simulang kainin na ito.

Naghapunan na kami at tamang tama dumating na rin si mommy at daddy. Sinabi kong masama ang pakiramdam ni ate kaya inakyat na muna siya ni mommy.

Nauna na kaming kumain ni Steven at sinamahan naman kami ni daddy.

"Parang araw araw ka na dumadalaw dito Steven ah."

"Gusto ko lang po dalawin si Rita masama daw pakiramdam niya sabi ni Daniela eh."

"Mabuti naman kung ganun. Hindi ka lang kay Daniela nag aalala kundi pati na rin kay Rita. Kamusta ang business? Marami ka na bang clients this year?"

"Unti unti po sa awa ng Diyos. After po ng kay Michelle may isang shop sa mall po akong gagawan ng Interiors."

"Wow that's good. So? May sasabihin ka ba sa akin hijo?"

Napatingin naman si Steven sa akin at ngumiti. Kinakabahan ako bakit ba.

"Nagpapasalamat lang po ako na winelcome niyo ako dito sa bahay niyo at pinayagan na maging kaibigan ang kambal niyo. Hihingi po sana ako ng permiso para ligawan si Daniela."

"Yan. Yan ang gusto ko. Humihingi ka ng permiso. Ok naman sa akin basta ang importante lang sa akin is, ipagpaalam mo sa akin every time na lalabas kayo para alam ko naman whereabouts ng anak ko. At wag masyadong gabihin ha?"

The CrossoverWhere stories live. Discover now