Chapter 7: Sacrifice

292 29 8
                                    

Steven's POV

Naiwan akong natulala sa parking space na yun. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Pumasok na lang ako sa sasakyan ko still, with a bothered mind. Walang mga sagot sa nagawa kong mali. Ang hirap pag dalawang babae pala ang involved. Kambal pa. Was I in a hurry to be in a relationship with Daniela? Kaya basta basta ko na lang siya gustong ligawan? Pero mas mabilis ata ang nangyari sa amin ni Rita. I am so doomed.

"Mitch? Pwede pahingi number ni Rita?"
I texted.

Agad naman nitong binigay and I thanked her.

"Hi Steven! Kamusta ka? Pupunta ka ba dito mamaya?" Daniela texted.

Napahiga muna ako. Sabi ng utak ko si Daniela ang mahal ko. Pero bakit parang si Rita ang sinisigaw ng puso ko?

"Hi Ella! Pasensya na ha? Medyo marami kasi akong ginagawa magsisimula na kasi kami sa office ni Michelle. Magiging busy muna ako this week. Pero don't worry babawi ako." I replied.

Umuwi na ako. Hindi talaga mawala wala si Rita sa isip ko. After kong maghapunan, I texted Rita.

"Rita? Usap tayo please?"

Hindi ata ako makakatulog neto. I need to at least, settle things with Rita. Kung ano man ang magiging desisyon niya ok lang sa akin. But hindi na talaga ma a-avoid na awkward na ang situation. Aminado ako, kasalanan ko talaga. Sana pumayag na lang muna siya na itago namin. Wala na kasi akong maisip na better option.

Twenty minutes passed and still, walang reply sa kanya. Jusko masisiraan ata ako ng bait. Nakahiga lang ako sa kama while waiting for her reply.

Maya maya pa ay hindi ko na kayang maghintay. I called her.

Rita's POV

Tears were rolling down my cheeks as I drive my way home. I'm in a great dilemma. Noon sabi ko, 'possible naman ang lalaki na magkagusto sa dalawang babae ok naman ata yun kami ngang mga babae marami din ang gusto eh.' Pero hindi ko ibig sabihin na seseryosohin yon. Gago lang ang gagawa at gawing totohanan yun.

But now that I am older, I know na hindi talaga pwede. Lalo na pag ikaw na pala mismo ang involved, ang unfair pala ng ganun. Either way, may masasaktan talaga. Hindi pwedeng wala. And in this case, ako ang nasasaktan. Sobrang mahal ko si Ella. Ayaw ko man na malaman niya ang tungkol sa nangyari sa amin ni Steven, hindi maitatanggi ang ligaya na nadarama niya sa tuwing kinukwento niya si Steven sa akin.

Ayaw ko na ata na sagutin niya si Steven. Not because na gusto ko na rin siya...but because gusto niya kaming dalawa.

And it hurts so much na magiging kahati ang kakambal ko. Kahati? That's right. I always share everything with Ella. And I am always willing to share sa kanya. But this one...no. I give up. I am willing to give up. Sa kanya lang si Steven. Hindi ko hahayaan na masira ang pagiging magkapatid namin ng dahil lang kay Steven.

Pinasok ko na sa gate ang sasakyan. I freshen myself up first before I go out and enter the house. Mukhang dito ata maghahapunan ang team ni Ella.

"Hey!" I said upon entering the house.

"Ate Ta!!!" They all greeted me. Close na rin ang mga ito sa amin eh.

"Ate Ta grabe may boyprend na pala si Daniela hindi man lang kami sinabihan!"

"Huh?! Ella sinagot mo na si Steven?!"
Bigla kong natanong na may pangamba.

"Ate chill! Hindi pa! Si Mika talaga oh sabing hindi ko pa sinasagot eh."

"Sigurado ka ha? Remember, no secrets."

Shet. Kumirot ang puso ko dun. Pa sabi sabi pa ako ng no secrets sa kambal ko ako nga pala itong may sekreto sa kanya.

The CrossoverWhere stories live. Discover now