Chapter 12: Double Date?

351 28 30
                                    

Steven's POV

"Da--Daniela? What are you talking about?!"

Bigla na lang nawala ang mga ngiti sa mukha ni Daniela.

"Alam ko na ang lahat Steven."

Hindi kumikisap ang mga mata nito pero tumutulo ang mga luha niya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sobrang naaawa ako kay Daniela. Hindi ko alam na ganito kasakit na makita siyang umiiyak. At oo naging duwag ako naging gago ako. Kasalanan ko ang lahat. Nakakatakot ang mga tingin ni Daniela. Parang pinapatay ako nito. Wala na akong choice kundi sabihin ang totoo.

"D--Daniela... Hindi ko sinasadya. Walang kasalanan si Rita dito."

Isang malakas na sampal ang natanggap ko galing kay Daniela.

"Daniela I'm sorry! I'm sorry! I'm so sorry!"

Niyakap ko siya ng mahigpit. Sabay ding tumulo ang mga luha sa mga mata ko.

"Daniela...it is not my intention to hurt you. Trust me nagustuhan kita. The first time we met ikaw ang gusto ko." I added.

Walang ekspresyon sa mukha ni Daniela. Tulala itong umiiyak. Hinahalikan ko ang ulo niya pero hindi ito kumikibo. Hindi ito gumagalaw.

"Alam mo ba? Gusto kitang patayin! Hindi dahil sa niloko mo ako pero yung dinamay mo pa yung sarili kong kambal diyan sa kalandian mo! Napakahayop mo Steven!" Sinampal niya ako ulit ng malakas.

"Daniela...I'm sorry...I'm so sorry..." iyak lang ako ng iyak. Ang sakit ng mga salitang naririnig ko. Oo deserve ko to. Kaya kailangan kong harapin.

"I know hindi mo pa ako mapapatawad ngayon Daniela...pero maniwala ka mahal kita. Mahal kita bilang ikaw."

At sinampal niya muli ako. Pulang pula na ang mga pisngi ko. Sobrang hapdi na. Pero alam kong mas mahapdi ang nararamdamang sakit ni Daniela ngayon. Kahit bugbugin niya ako ngayon or worst, shoot or stab me, hindi enough na kabayaran sa nagawa kong kasalanan sa kanya. Mahirap mag explain at humingi ng tawad sa taong galit. Kaya naiintindihan ko ito.

"Keep those words to yourself, Steven. Sana lang kung mahal mo ang ate ko, mahalin mo ito ng buong buo. Yung siya lang at wala ng iba dahil sa oras na malaman ko na lumalandi ka na naman, hindi ako mag dadalawang isip na patayin ka!"

Umalis na si Daniela at naiwan akong gulong gulo ang isipan. Pangalawang beses pa lang nangyari sa akin ito. Una, noong iniwan ako ng long time girlfriend ko na si Denise para mangibang bansa. Ngayon, eto sa sarili kong kagaguhan.

Nung lumabas na si Daniela punong puno na ako ng pagsisisi. Hindi ako makapaniwala na mag-isang sinabi ni Rita sa kanya ang lahat. Pwede naman naming sabay sabihin pero baka hindi na rin kaya ni Rita na magtago pa. I was attacked unprepared. Para akong nasa gyera na walang ka laban laban kanina kay Daniela. "Pero hindi ba yun din ang ginawa ko sa kanya?" Sabi ko sa sarili ko. Ang laki mong tanga! Napaka duwag mo Steven!

Galit na galit ako sa sarili ko sa nagawa kong gulo at problema.

Daniela's POV

Nanginginig pa rin ang buong katawan ko. Halos hindi ako makahinga sa kakaiyak ko. Mabilis ko namang pinunasan ang mga luha ko at dahan dahan na binuksan ang pintuan sa kwarto namin ni ate.

Tulog na siya. Pero ako hindi ko ata kaya na matulog. Binuksan ko ang kurtina at tumingala sa kalawakan. Ang ganda ng buwan. Mabuti pa ang liwanag nito it gives comfort and calmness.

Nakita kong bigla na lang umilaw ang kwarto ni Ken sa bahay nila sa tapat at bumangon na nga ito. Tila nakita niya rin ata ako.

Ken opened his window. He raised his phone and shook it signaling he will call me.

The CrossoverWhere stories live. Discover now