Chapter 11: Hard Truth

303 28 13
                                    

Daniela's POV

Nanlaki naman ang mga mata ko. Muntikan na kami magkahalikan. Jusko Daniela umayos ka.

"Whoop sorry about that, Ella. Haha."
Napakamot ito ng ulo.

"Hmm...sige aalis na ako."

"Sige goodnight."

"Goodnight din, Ken."

--------

"Asan na po si Steven at ate, mom, dad?"

"Nandun hinatid sa guest room. Daniela halika nga, maupo ka nga muna dito."

"Bakit po dad?"

"Ikaw ba ay sigurado na diyan sa Steven na yan? Di ba hindi mo pa yan sinasagot?"

"Hindi pa po. Hindi ko nga alam na pupunta siya ngayon eh. Pero binigay ko yung address natin kasi nagtanong siya kaninang umaga."

"Alam mo dad, ok naman sana eh i susurprise niya lang sana si Daniela kaso nga lang ayun napagkamalang siya si Rita. Uy dad nagkaka mabutihan na rin si Ken at Rita ano?" Sabi ni mom dito.

Gosh. Oo nga pala nagkaka mabutihan na si ate at Ken. Kanina kilig na kilig pa nga ako sa kanila eh. Ano ba tong sudden na nararamdaman ko kay Ken? Mali to. Hindi ito maaari.

"Oo nakikita ko rin yun. Magkakilala naman sila ng mga bata pa sila. So Daniela? Kausapin mo yung Steven at mag apologize ulit kay Ken bukas."

"Sige po dad."

"Ok wait I have an idea!"

"Ano po yun mom?"

"Why not sabay kayong apat gumala bukas? I tour nyo naman si Steven!"

"Oo nga in that way magka bonding kayo at magkakilala pa. At sabihan mo si Steven na bumawi kay Ken. Siya ipag drive niyo bukas." Pag sang ayon naman ni daddy.

Hay I hope that is a good idea.

"Sige po sabihan ko sila. Akyat na po muna ako kausapin ko lang si Steven."

------

Rita's POV

"Steven tama na to please! Hindi na tama to! Maawa ka kay Ella!"

"Pero ikaw ang mahal ko." Umiiyak niyang sabi habang niyayakap ako.

"Hindi. Mali to. Malilimutan mo rin to. Sige na ayusin mo na ang sarili mo dyan baka mamaya nandito na si Ella." I pushed him away.

"Rita! Rita I love you!"

Sinampal ko naman ito.

"Alam mo bang gago ka ha?! Gago ka! Gago ka!" Pinagtatampal ko ito kaso mabilis niya naman akong sinunggaban at hinawakan ang mga kamay ko.

Tangina Rita ayan ka na naman. Hinahayaan mo na naman siya. Eto na naman ako nanghihina sa bawat halik na binibigay niya sa akin. Damang dama ko ang init ng mga labi at hininga niya.

"Steven? Please tama na." I cried.

"Hindi mo ba ako mahal?" Mahina niyang tanong habang pinupunasan ang mga luha ko.

Hindi ako makasagot. Alam kong alam niyang may nararamdaman ako sa kanya.

"Steven? Mali ito. Masasaktan natin si Ella."

"Pero mahal mo rin ako diba? Mahal mo na rin ako eh."

"Sige na mag usap na lang tayo bukas."

Agad akong umalis at dumirecho na sa kwarto at nagbanyo. Warm bubble bath. Yes. Makakapag relax ako if I dip myself sa bathtub. This is already one of my stress relievers. Gusto ko muna makalimot kahit saglit lang.

The Crossoverحيث تعيش القصص. اكتشف الآن