Chapter 13 (Unedited)

5K 266 9
                                    


"Sa huli, kailangan mo parin palang bumalik sa kapital, Don Asher"


Nabitawan ni Epione ang hawak hawak niyang kutsara at tinidor nang marinig niya ang sinabi ni prinsipe Alvin.


Nandito sila ngayong tatlo sa hapag kainan at sama samang nagaagahan pero agad na nawala ang gana ni Epione nang marinig niya ang balitang nagpabilis ng tibok ng puso niya.


"Anong ibig mong sabihin, kamahalan?"


Napatigil ang mga kamay ni prinsipe Alvin sa paghiwa ng karneng nasa plato niya nang marinig ang tanong ni Epione pero bago siya sumagot ay pinalilipat lipat muna niya ang tingin mula kay Epione papunta kay Asher.


"Hindi mo pa nababanggit kay Dona Elis?"


Napatigil din sa pagkain si Asher. Doon niya lang napagtantong hindi niya pa nga nababanggit kay Epione ang tungkol sa bagay na iyon.


Napailing iling si prinsipe Alvin nang makita niya ang reaksyon ni Asher. Ibinaling niya ang tingin kay Epione bago muling nagsalita.


"Nabanggit ni Ken, ang katiwala ng casino, na ang pamilyang Delsaro nga ang orhinal na nagpadala sa kaniya at tulad ng suspetya mo, senora. Meron pang kasabwat liban sa kanila"


"Kung ganong napaamin niyo na si katiwalang Ken, bakit kailangan niyo pang personal na pumunta sa kapital?" tanong ni Epione.


"Bago pa man mabanggit ni katiwalang Ken kung sino yung isa pang nag utos sa kaniya ay bumula ang bibig niya bago siya nalagutan ng hininga" Biglang napakunot ang nuo ni Epione nang marinig niya ang sinabi ni Asher.


"Malakas ang kutob ko na merong itim na mahikang ginamit kay manager Ken na siyang pumatay sa kaniya nang subukan niyang sabihin ang pangalan ng isa pang sangkot sa kasong ito"


Napakuyom ang kamao ni Epione at nakaramdam siya ng inis sa sarili. Masyado siyang naging kampante na mapipigilan niya ang pagpunta ni Asher sa kapital sa simpleng pagsasabi niya ng nalalaman niya. Napatulala siya sa pagkain sa harap niya at sinubukang mag isip ng paraan para mapigilan pa ang pagpunta ni Asher sa kapital. Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya napansin na kanina pa siya pinapanood ni prinsipe Alvin.


Naningkit ang mga mata ni prinsipe Alvin. Hindi niya maintindihan kung bakit ganon nalang ang pagtutol ni Epione sa pagpunta nila sa kapital. Ano ang pakay nito? Kanino ba talaga siyang panig kumakampi?


Napabaling ang tingin ni prinsipe Alvin kay Asher nang maramdaman niya ang masamang tingin nito sa kaniya. Nagtama ang paningin nila at hindi niya napigilang kilabutan nang makitang mahigpit ang kapit ni Asher sa hawak hawak niyang kutsilyo.


"Wala na bang ibang paraan? Kailangan ba talagang si Asher mismo ang pupunta sa kapital?" tanong ni Epione kaya naman naudlot ang plano ni Asher na ihagis kay prinsipe Alvin ang hawak hawak niyang kutsilyo.


"Pwede ko bang malaman kung bakit ganon nalang ang pagtutol mo sa pagpunta ni Don Asher sa kapital?" tanong ni prinsipe Alvin bago pa makaimik si Asher.


Hindi nakapagsalita si Epione. Hindi niya naman kasi pwedeng sabihin na kaya niya gustong pigilan si Asher ay dahil trahedya lang ang naghihintay sa kaniya doon.


"Namatay si katiwalang Ken dahil sa isang mahika bago niya pa masabi kung sino ang nagutos sa kaniya na sirain ang reputasyon ng Caddel. ibig sabihin lang non, isang mahikero ang nasa likod nito o kaya naman ay may koneksyon siya sa magic ministry. Kung ganon nga, mas dapat lang na pumunta ng kapital si Asher dahil mukang makapangyarihang persona ang sumusubok na pabagsakin siya ngayon." seryosong saad ni prinsipe Alvin at kasabay noon ay bigla ding sumeryoso ang silid.


Wala ang mga ngisi na karaniwang nasa muka ng prinsipe at doon lang naalala ni Epione na ang "siraulong prinsipe" nga pala ang kausap niya. Ang prinsipeng kayang pumatay ng kadugo para sa trono.


"Nag-aalala lang ako sa kung anong pwedeng mangyari sa inyo sa kapital"


"Inyo?" Sabat ng kanina pa tahimik na si Asher. "Nakakalimutan mo atang kasama ka, Epione"


Napaisip bigla si Epione dahil sa sinabi ni Asher. Base sa pagkakatanda niya, si Asher at si prinsipe Alvin lang ang magkasama noong dumating sila sa kapital at wala nang iba kaya inakala niyang sila lang din ang pupunta sa pagkakataong ito.


'Ah... tama ...'


Doon lang naalala ni Epione na nagpakamatay nga pala ang orihinal na Elis Aquariel noong araw ng kasal nila ni Asher kaya hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na makasama sa pagpunta sa kapital.


Nakahinga ng maluwag si Epione. Muka kasing hindi na niya mapipigilan ang pagpunta ni Asher sa kapital pero dahil kasama naman pala siya, pwedeng pwede niya pang pigilan ang mga nakatakdang mangyari sa lugar na iyon. Gayunpaman, hindi parin nawawala ang kaba at takot sa dibdib niya.


Hindi niya nagawang pigilan ang nakatakdang pagpunta ni Asher sa kapital. Paano kung hindi lang iyon ang hindi niya mapigilan na mangyari? Paano kung hindi naman pala talaga niya pwedeng mabago ang nakatakda?


Kinakabahan si Epione sa kung ano ang pwedeng mangyari sa pagpunta nila sa kapital pero wala siyang ibang magagawa kundi ang harapin ito.


"Kung ganon... kelan tayo aalis?"

The Villain's Fairytale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon