Chapter 20 (Unedited)

5.3K 270 20
                                    

Kahit noong magising na si Epione, hindi sila agad bumyahe papunta sa kapital. Iyon ay dahil bagamat wala na ang lason sa katawan ni Epione, mahina parin ang katawan niya para bumyahe lalo na't napaka alog ng karwaheng sasakyan niya.


Nang tuluyan nang gumanda ang pakiramdam ni Epione at pinayagan na siya ng manggagamot na nagpagaling sa kaniya na pwede na siyang bumyahe ay wala na silang inaksayang oras pa at nagsimula nang maglakbay pabalik ng Kapital.


Tulad ng inaasahan ni Epione, dumating sila sa kapital ilang linggo bago ang anibersaryo ng pagkakakorona sa hari.


Napadungaw si Epione sa bintana ng karwahe nang matanaw na niya ang nagtataasang pader na nakapalibot sa kapital. Palubog na ang araw kaya medyo nagdidilim na pero samutsaring ilaw ang nagmumula sa loob ng kapital kaya hindi din iyon naging problema.


Nakahinga ng maluwag si Epione dahil sa wakas, tapos na ang paghihirap niya sa loob ng malikot na karwahe. Pakiramdam niya kasi ay nagkanda halo halo na ang lamang loob niya.


Mas bumagal na ang takbo nila kumpara noong naglalakbay pa sila. Gayunpaman, hindi manlang sila pinigilan ng mga guwardiyang nagbabantay sa malaking pintuan papasok ng kapital. Iyon ay dahil kilala nila kung kaninong hukbo ang nasa harapan nila ngayon at ayaw nilang makabangga ang Senor ng Caddel na kilalang walang awa sa mga nakakabangga niya.


Nakahalumbabang pinagmasdan ni Epione ang maingay na kapital. Nasa gitna ng kapital ang malaking palasyo na siyang kinatitirahan ng familia real (royal family) at sa palibot naman noon ay nakatayo ang mga naglalakihang mansyon ng mga maharlikang katuwang ng royal family sa pamumuno sa buong kaharian. Kasama na doon ang mansyong pagmamay ari ng Caddel na siyang destinasyon ngayon nila Epione. Doon sila mananatili sa buong panahong nasa kapital sila.


Tumigil ang karwahe sa tapat ng isang malaking mansyon kaya naman agad na napatingala si Epione. Tumambad sa kaniya ang isang mansyong merong tatlong palapag at napakalawak. Higit na mas malaki ang mansyon sa teritoryo ng Caddel pero kumpara sa apartment na tinutuluyan ni Epione sa mundo niya, higit na mas malaki at mas maganda ang mansyon sa harapan niya.


Nakarinig ng katok si Epione mula sa pintuan ng karwahe kaya agad niya itong binuksan at doon nakita niya si Asher. Inabot nito ang kamay niya at inalalayan siya pababa kaya naman bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi parin nawawala sa isip niya ang nangyari noong araw na nagising niya at hindi niya mapigilang maisip kung ano kaya ang mangyayari kung hindi lang umeksena si Alvin noong mga oras na iyon?


Sinampal ni Epione ang pisngi niya para gisingin ang sarili at sinubukang ituon sa iba ang atensyon niya. Mabuti nalang ay hindi napansin ni Asher ang kakaibang kilos niya dahil sandali itong may kinausap bago humarap sa kaniya.


"Kailangan kong pumunta ng palasyo para mag ulat sa hari tungkol sa mga nangyari nitong nakalipas na buwan kaya hindi na kita malilibot sa mansyon"


"Hindi mo naman kailangang gawin iyon at isa pa gusto ko na ding magpahinga"


"Kung ganon, ihahatid ka ng punong katulong dito na si Mateo sa silid na pwede mong pagpahingahan" saad ni Asher bago sinenyasan yung lalaking kausap niya kanina na malamang ay si mateo at inutusan itong ihatid si Epione sa silid na pwede niyang pagpahingahan.

The Villain's Fairytale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon