Chapter 22 (Unedited)

4.9K 236 26
                                    

Hindi mapigilang mapatitig ni Asher sa muka ni Epione na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Maamo ang muka nito pero mas kapansin pansin ang mga pulang marka nito sa leeg na nagpangiti kay Asher.


Marahan niya itong hinaplos at inalala ang mga pangyayari kagabi.


Hindi niya lubos akalain na dadating sa puntong ito ang relasyon nila ng babaeng pinakasalan niya lang para matahimik na si prinsipe Alvin. Ngayon niya lang napagtandto na may magandang naidudulot din pala ang kaibigan niya.


Napahawak si Asher sa muka niya nang mapansing kanina pa siya nakangiti habang inaalala ang lahat ng memorya niya kasama si Epione pero agad din siyang napatigil nang maalala kung paano niya ito tinutukan ng patalim dati. Naalala niya Kung paano niya ito hindi pinagtuunan ng atensyon at kung paano niya ito tinignan ng masama nang magtangka itong magpakamatay sa araw mismo ng kasal nila.


Ngayong napa-isip siya tungkol doon, hanggang ngayon ay hindi parin niya maintindihan kung ano ang nangyari noong araw na iyon. Tandang tanda niya kung paanong bigla nalang nawala ang mga takot sa mata ni Epione. Bigla siyang nagbago ng tuluyan na para bang ibang tao na ang kaharap ni Asher.


Naestatwa si Asher sa takbo ng iniisip niya bago ibinaling ang tingin kay Epione na natutulog parin ng mahimbing. Nasisilayan ng liwanag ng pasikat na araw ang maamo nitong muka na para bang nagliliwanag.


"Elis... Epione..." bulong ni Asher habang pinagmamasdan ang babae sa tabi niya.


***


Maliwanag na ang kalangitan nang magising si Epione na masakit ang katawan. Napadaing siya habang dahan dahang bumabangon bago napatitig sa katawan niyang puno ng mapupulang marka.


Napatigil siya ng ilang segundo bago napahawak sa pisngi nang maalala ang nangyari kagabi. Napa-kagat siya ng labi bago nagtalukbong ng kumot at sinubukang pakalmahin ang sarili. Napatigil lang siya sa pagwawala nang may kumatok sa pintuan.


"Dona Elis? Gising ka na ho ba?" Tanong ng isang malumanay na tinig.


"Sino ka? Anong kailangan mo?" tanong ni Elis, nagpapasalamat na hindi basta bastang pumasok ang kumatok.


"Ako ho si Dana, isa sa mga mga katulong dito sa mansyon. Pinag-utos ho ni Don Asher na tulungan kang mag-ayos at tumawag ng manggagamot pagkagising mo, Señora"


"Kaya kong mag-ayos magisa-" Hindi na natuloy pa ni Epione ang sasabihin niya nang makaramdam siya ng matinding sakit sa balakang nang sinubukan niyang tumayo.


Napangiwi siya habang hinahaplos ang bewang niya bago napagdisisyunang papasukin si Dana.


Pinatawag sa palasyo ang kabuuan ng principalia kaya kinailangan ni Asher na umalis nang walang pasabi kaninang umaga. Pinasabi niya na baka matagalan siya sa palasyo at abutin na siya ng dilim.


Nagpapasalamat siya sa konsiderasyon ni Asher sa pagpapadala niya ng katulong kung sakaling kakailanganin niya ng tulong pero hindi mapigilan ni Epione na mamula habang tinutulungan siya ni Dana na magayos lalo na nang makita niya sa salamin ang mga pulang marka sa may leeg niya.

The Villain's Fairytale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon