Chapter 8 (Unedited)

5.1K 307 6
                                    

"Maniniwala ba kayo... kung sasabihin kong alam ko kung sino ang nasa likod ng kaso tungkol sa casino?" Tanong ni Epione sa dalawang lalaking kausap niya.

Alam ni Epione na malaki ang posibilidad na masayang ang paghihirap niya nitong nakalipas na buwan sa pagkuha ng loob ni Asher kung bigla niyang sasabihin na alam niya ang tungkol sa kaso ng Casino pero hindi nakaramdam ng pagsisisi si Epione dahil kapalit naman noon ay ang mapigilan ang pagpunta ni Asher sa kapital at ang trahedyang naghihintay sa kaniya doon.

"Alam kong hindi ako madaling paniwalaan dahil isa akong Aquariel pero kung sakali mang mapatunayan niyong nagsisinungaling ako, pwede niyong gawin sakin ang ano mang gusto niyong gawin" dugtong pa ni Epione.

Napangisi si prinsipe Alvin nang marinig ang sininabi ni Epione. Puno ng determinasyon ang boses ng babae sa harapan niya at walang anumang bahid ng takot na para bang siguradong sigurado siya na totoo ang impormasyon na nalalaman niya. "Bago iyon, gusto kong malaman kung saan mo nakuha ang impormasyon tungkol sa bagay na 'to"

Hindi pwedeng sabihin ni Epione ang totoo tungkol sa libro at sa katotohanang galing siyang ibang mundo kaya gumawa nalang siya ng dahilan na mas kapani-paniwala. "Sabihin nalang nating nakuha ko ang impormasyon mula sa pamilyang Aquariel"

Dahil sa sinabi ni Epione, para narin niyang sinabi na may kinalaman ang Aquariel sa kasong ito. Ibig sabihin lang non ay tinatraydor niya ang pamilya niya para malaman nila Asher ang totoo.

Nakaramdam ng komplikadong emosyon si Asher nang mapagtanto niya ang tungkol doon. Napatitig siya sa babae sa tabi niya at napatanong sa sarili. 'Paanong kaya niyang traydurin ang sarili niyang pamilya para sa kapakanan niya at ni prinsipe Alvin?'

"Kung ganon, pwede ba naming malaman ang impormasyong natanggap mo Dona Elis?" Tanong ni Asher.

Tumango si Epione bago sinabi ang tungkol sa alam niya. Sinabi niyang ang pamilyang Delsaro ang nagpadala kay manager Ken pero sinabi din niyang hindi sila ang nag utos dito na sirain ang reputason ni Asher.

"Hindi ako sigurado pero mukang hindi lang ang Delsaro ang may pakana nito" sabi pa ni Epione. Hindi niya pwedeng direktang sabihin na may kinalaman din ang pamilyang Dawson kaya binanggit nalang niyang malaki ang posibilidad na meron pang ibang kasangkot bukod sa Delsaro.

Napatango tango si prinsipe Alvin sa narinig niya, may kutob na siya na ang Delsaro ang may gawa ng lahat at alam niyang ganon din si Asher pero ayon sa narinig nila mula kay Epione, may posibilidad na meron pang ibang kasangkot.

Napakunot ang nuo niya. Kung iisiping mabuti, hindi lang ang Delsaro ang kalaban nila kaya totoong malaki ang posibilidad na hindi lang ang Delsaro ang nagtatangkang pabagsakin si Asher na isa sa mga kakampi ng royal family.

Nanindig ang balahibo ni Alvin nang mapagtanto niya ang tungkol sa bagay na ito. Kung hindi dahil sa sinabi ni Epione, malaki ang posibilidad na ituon lang nila ang sisi sa Delsaro at wala manlang silang kaalam alam na pinaglalaruan na pala sila ng iba.

"Don Asher, meron ka bang paraan para kumpermahin kung totoo ang sinasabi niya?" Tanong ni prinsipe Alvin kay Asher at agad naman itong tumango.

"Ngayon linggo dadating yung tauhan na pinadala ko para hulihin si Ken, pwede ko siyang tanungin tungkol sa nalalaman niya" sagot ni Asher pero alam ni Epione na hindi lang basta 'pagtatanong' ang gagawin ni Asher kapag makaharap na niya ang katiwala ng casino na nagtraydor sa kaniya. Sigurado siyang may kasama itong pagdanak ng dugo.

Gabi na nang matapos mag usap ang tatlo. Napagdesisyunan nilang alamin muna kung ano ang sasabihin ni katiwalang Ken bago sila magdesisyon kung ano ang sunod na gagawin.

Kung mapapatunayan nila agad na walang kinalaman si Asher sa ilegal na transaksyon na naganap sa casino at makapagbigay ng ebidensya para sa kung sino talaga ang totoong salarin, hindi na ka-kailanganin ni Asher na pumuntang kapital para personal na kwestunin ng hari.

Pansamantala, dito muna sa teritoryo ng Caddel maninirahan si prinsipe Alvin.

"Asher, hindi ba't marami ka pang kailangang gawin?" Tanong ni prinsipe Alvin.

Napalingon si Asher sa bintana at doon niya lang napansin na madilim na pala. Marami pa siyang kailangang gawin at trabaho na kailangang tapusin pero ayaw niyang iwan si Epione kasama ang prinsipe.

Ibinuka ni Asher ang bibig niya at sasabihin na sanang hindi naman siya nagmamadali pero bago pa siya makapagsalita ay inunahan na siya ng prinsipe.

"Kung ganon, pwede ka nang umalis,Don Asher" nakangisin saad ni prinsipe Alvin bago pinitik ang daliri niya at kasabay noon biglang naglaho si Asher.

Halos masira ang lamesa ni Asher nang bigla niya itong hampasin pagka sulpot na pagkasulpot niya sa opisina niya. Hindi pa nawawala ang pagkahilo na nararamdaman niya dahil sa biglang pagbabago ng paligid pero agad na siyang naglakad palabas ng silid para bumalik sa salas na siyang kinaroroonan nina Epione at Alvin.

Dahil malaki ang mansyon, ilang minuto ang inabot ni Asher sa paglalakad pero ginamit niya ang panahong iyon para isipin kung paano niya papatayin si prinsipe Alvin nang hindi niya kailangang makasuhan.

"Hindi ka ba malalagay sa panganib dahil sa ginawa mo, prinsipe Alvin?" Tanong ni Epione. Sigurado siyang hindi papalagpasin ni Asher ang ginawa ni prinsipe Alvin sa kaniya.

"Lagi akong nasa panganib dahil kay Don Asher, Normal nalang sakin ang matutukan ng patalim sa leeg mula nang makilala ko siya"

Hindi napigilan ni Epione ang ngiti niya at bahagyang napatawa.

"You're weird"

"Huh?"

"Hindi ka ba natatakot?"

Napakunot ang nuo ni Epione, hindi maintindihankung bakit bigla siyang tatanungin ng ganon ng prinsipe. "Anong ibig mong sabihin, kamahalan?"

"Base sa kilos mo ngayon, sa panig namin ni Asher ka kumakampi imbes na sa pamilyang Aquariel at Delsaro na kasama mong lumaki"

Napatigil sandali si Epione.

Hindi naman mali ang sinabi ng prinsipe. Totoong lumaki si Elis Aquariel sa puder ng pamily niya pero hindi si Elis si Epione. Hindi niya gustong kalabanin ang Aquariel o ang pamilya ng dalawang bida pero hindi din niya gustong mangyari ang trahedyang nakatakda sa buhay nila Asher at ng prinsipeng nasa harapan niya ngayon.

Tinuring ni Epione na kontrabida si Asher at prinsipe Alvin noong mga unang kabanata ng libro. Pero iba na ang sitwasyon ngayon.

Naging masama si Asher dahil sa lahat ng pinagdaanan niya. Ginawa niya ang mga masasamang bagay na ginawa niya para maka ligtas sa maduming mundong kinalakihan niya.

Ang mga tao sa paligid niya ang nagtulak sa kaniya na maging isang masamang tao na hindi naman niya ginusto. Ganoon din si prinsipe Alvin na kinailangang patayin ang sarili niyang kapatid dahil kung hindi, ito ang papatay sa kaniya para mamana ang trono.

"Hindi ako mabuting tao, Dona Elis. At alam kong alam mong hindi din mabuting tao ang lalaking napangasawa mo kaya kung may masama kang motibo kaya mo ginagawa 'to, alam mo na ang mangyayari sayo hindi ba?"

"Huwag kang mag alala, prinsipe Alvin. Hindi din ako isang santa at ginagawa ko lang to dahil gusto kong maging masaya si Asher"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Alam kong hindi mabuting tao si Asher pero alam ko din kung gaano katinding sakit at hirap ang nagtulak sa kaniya sa sitwasyon niya ngayon. Gusto ko lang siyang tulungan dahil para sakin, karapatan niya ding sumaya"

Napatigil ang kamay ni Asher sa pagpihit ng hawakan ng pinto papasok sa salas. Nawala na sa isip niya ang tungkol sa plano niyang pagpatay kay prinsipe Alvin dahil sa narinig niya.

Kumunot ang nuo niya at bumilis ang pagtibok ng puso niya. Ito ang unang beses na nakaramdam siya ng ganito 

The Villain's Fairytale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon