Chapter 15 (Unedited)

5K 271 20
                                    

Hindi alam ni Epione kung saan siya dadalhin ni Asher at hindi naman niya magawang magtanong dahil hanggang ngayon ay ramdam niya padin ang pagkainis nito.


Tumigil lang sila sa paglalakad nang marating na nila ang isang malaking tent at sa loob niyon ay isa pang grupo na tulad ng grupo ni Sero, nakatoka ding magluto ng hapunan pero mukang mga bihasa silang taga luto kumpara sa huli.


"Sila ang mga royal chef na responsable sa pagkaing ihahain sa atin at ni prinsipe Alvin. Madalas ay pinapahain ko din sa akin ang pagkaing tulad ng sa iba pero papalampasin ko iyon sa pagkakataong ito." Panimula ni Asher.


Napatango tango si Epione. Naalala niyang nabanggit din sa libro ang tungkol dito. Ayaw ni Asher na tinuuring siyang Iba sa mga tauhan niya at bigyan siya ng special treatment. kaya gusto niyang ang pagkain na kinakain niya at ang tent na tinutuluan niya ay tulad lang din ng sa mga tauhan niya.


Nang marinig ng mga royal chef ang boses ni Asher ay agad silang tumigil sa kani-kanilang ginagawa at yumuko sa direksyon niya. "Senor"


"Si Dona Elis ang bahala sa pagkaing ihahain sakin kaya hayaan niyo lang siya sa gusto niya" hindi tulad ng reaksyon kanina ng grupo ni Sero, agad na tumango ang mga royal Chef sa nang marinig ang sinabi ni Asher.


Isa isang bumati at nagpakilala kay Epione yung mga miyembro ng royal chefs at dahil kailangan ni Asher na bumalik sa ginagawa niya kanina bago pa magising si Epione, sinigurado muna niya na kaya na nito mag-isa bago umalis.


"Senora..." panimula ng isa sa mga taga luto kaya naman napabaling sa kaniya ang tingin ni Epione. "Mawalang galang na pero kung hindi po kayo marunong magluto, mas mabuti kung babalik ka nalang po sa tent na itinayo para sa iyo."


Bakas sa mga mata ng mga tao sa paligid ni Epione na nagdududa sila kung marunong ba talaga siyang magluto. Naniningkit ang mga mata nila at ang iba pa ay masama ang muka pero lahat ng negatibong reaksyon nila ay napalitan ng paghanga pagkalipas ng ilang minuto. Iyon ay dahil sa buong buhay nila, hindi pa sila nakakita, nakaamoy, nakatikim ng nakakatakam na pagkain na inihanda ni Epione.


Hindi rin sila masisisi ni Epione. Sino ba namang mag-aakala na hindi pala uso ang Adobo sa mundong ito.


"Senora, anong tawag sa lutuing iyan?" hindi na napigilang magtanong ng isang lalaking baguhang miyembro ng Royal chefs dahil kanina niya pa naaamoy ang mabangong amoy na nagmumula sa niluluto ni Epione.


"Ahh.. Adobo..."


"Adobo, ngayon ko lang narinig ang putaheng iyon. Ikaw ba ang nagimbento nito, Senora?" tanong pa nito pero bago pa siya masagot ni Epione ay biglang sumingit ang mataray na boses ng pinaka punong taga luto na siya ding nagsabi kanina kay Epione na mas makakabuti kung babalik nalang siya sa tent niya.


"Kaleb, sinong nagbigay sayo ng karapatan na basta basta nalang lumapit sa Senora at kausapin siya ng basta basta?" sigaw nito sa lalaking kanina'y kausap ni Epione na sa malamang ay Kaleb ang pangalan. Masama ang tingin niya kay Kaleb pero agad din itong umamo nang ibaling na niya ang tingin kay Epione.

The Villain's Fairytale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon