Chapter 10 (Unedited)

5.7K 297 11
                                    

Agad na isinara ni Asher ang kurtina ng bintana sa opisina niya nang makita ang paglapit ni prinsipe Alvin kay Epione.


Kanina niya pa iniintay ang eksenang iyon at inaasahan na niyang mangyayari iyon pero hindi niya mapigilang mainis nang makitang nagngingitian ang dalawa.


"Bakit hindi mo sila puntahan, Senor?" Suwestyon ni Hans dahil kanina niya pa pinapanood si Asher na hindi inaalis ang tingin kay Epione.


"At bakit ko naman gagawin iyon?" Tanong pabalik ni Asher bago padabog na umupo sa swivel chair niya at pinagpatuloy ang trabaho niya.


'dahil halata namang nagseselos ka?' Gusto sanang sabihin iyon ni Hans pero hindi na siya nagsalita pa dahil baka mawalan siya ng trabaho pag ginawa niya iyon.


Nabalot ng katahimikan ang silid pero ramdam na ramdam ni Hans ang lamig ng silid na malamang ay nagmumula mismo kay Asher. Ilang beses na napasuklay ng buhok si Asher at makailang beses na napapalingon sa may bintana hanggang sa hindi na niya napigilang tumayo at sumilip muli sa bintana pero agad din niya iyong isinara at mabilis na naglakad palabas ng silid nang makita niyang nakahawak si prinsipe Alvin sa braso ni Epione.


Napabuntong hininga si Butler Hans bago naglakad papunta sa lamesa ni Asher para ipagpatuloy ang trabahong hindi naman dapat sa kaniya.


***


Unti unting nawala ang ngiti sa mga labi ni prinsipe Alvin pagkadating niya sa quarters niya. Naalala niya yung mahika na naramdaman niya nang mahawakan niya ang braso ni Epione at sigurado siyang pamilyar sa kaniya ang mahikang iyon.


Katumbas ng isang fingerprint ang mahika ng isang tao. Wala itong ibang katulad kaya ginagamit ito bilang pagkakakilanlan ng isang mahikero. Iyon ang dahilan kung bakit nagtataka si prinsipe Alvin kung bakit pamilyar sa kaniya ang mahikang taglay ni Epione gayong ito ang una nilang pagkikita.


Isa pang ikipinagtataka niya ay ang katotohanang wala sa katawan ni Dona Elis ang mahika kundi nasa kakuluwa niya na para bang magkaiba ang pagkakakilanlan ang kaluluwa at katawan niya.


Makailang ulit na nagpabalik balik sa pwesto si prinsipe Alvin bago umupo sa sofa sa silid at inilatag sa maliit na lamesa ang isang papel. Magsisimula na sana siyang magsulat pero hindi niya pa naiilapat sa papel ang plumang hawak niya ay bigla siyang napatigil.


Napailing iling siya bago napabuntong hininga. Sa ganitong sitwasyon, dapat na niyang ipaalam sa magic ministry ang tungkol kay Epione dahil baka kung anong panganib ang dala nito pero bigla niyang naalala ang reaksyon nito kanina.


Imbes na matakot dahil nalaman ni prinsipe Alvin na may taglay siyang mahika sa katawan, ngumiti ito at nasasabik na nagtanong kung kaya niyang gumamit ng mahika. Ibig sabihin lang noon ay wala din siyang alam tungkol dito.


Idagdag mo pa ang katotohanang tinatrato siya ni Dona Elis ng normal sa kabila ng mga usap usapan tungkol sa kaniya.


Inilapag ni prinsipe Alvin ang plumang hawak niya sa tabi ng blankong papel bago napasandal sa sandalan ng sofa.

The Villain's Fairytale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon