Chapter 7 (Unedited)

5.4K 297 2
                                    

Si prinsipe Alvin ang isa sa mga supporting character sa orihinal na libro. Siya ang bunso sa tatlong prinsipe ng kaharian pero siya ang nakoronahang tagapagmana ng trono dahil maagang namatay ang unang prinsipe at may malubhang sakit naman ang ikalawa dahil sa pagkakalason noong bata pa siya.


Akala ng lahat ay sinuwerte lang si prinsipe Alvin kaya siya ang naging tagapagmana pero hindi nila alam na siya mismo ang nasa likod ng pagpatay at paglalason sa mga kapatid niya. Marami ang nagaakala na isang siraulong prinsipe lang si prinsipe Alvin na walang ginawa kundi gastusin ang pera ng kaharian at gumawa ng mga kalokohan pero kaunti lang ang nakakaalam ng katotohanan na palabas lang ang lahat.


"Hello Sonora Caddel, hindi ko inaasahan na dadatnan pa kitang buhay dito"


"Magandang hapon din sa inyo, prinsipe Alvin" sarkastikong sagot ni Epione pero lalo lang lumawak ang ngisi ni prinsipe Alvin.


"Anong ginagawa mo dito, prinsipe Alvin? Hindi ba't sinabi ko noon na ayaw na kitang makita pa?"


Tandang tanda pa ni Asher kung paanong dahil sa prinsipeng ito ay napilitan siyang magpakasal sa babaeng hindi niya naman kilala. Hindi naman sa ayaw ni Asher kay Epione, sa totoo nga ay nagpapasalamat siyang dahil sa kaniya ay mas madalas na siyang nakakatulog pero hindi parin noon mababago ang katotohanang nagbigay ng pabuya si prinsipe Alvin para sa pamilyang makakapagpakasal ng anak nila sa kiakatakutang Don Asher Caddel.


"Meron bang nagbabawal sa prinsipe ng kaharian na bumisita sa teritoryo ng Caddel?"


"Wala pa pero nagbabalak na akong gumawa ng batas tungkol doon" matipid na sagot ni Asher kaya naman napatawa si prinsipe Alvin. Tinignan lang siya ni Asher ng masama bago hinarap si Epione.


"Bumalik kana muna sa kwarto m-"


"Bakit mo naman gustong paalisin agad si Dona Elis? Akala ko ba nandito kayo para batiin ako?" Pagpuputol ni prinsipe Alvin sa sinasabi ni Asher kaya naman lalong sumama ang tingin sa kaniya ng huli. "Isa pa, Gusto ko ding mas makilala pa ang babaeng nagtagal ng isang buwan bilang asawa mo. hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala. Ayos lang naman para sayo na makipagkwentuhan muna sakin hindi ba, Dona Elis?"


Ibinuka ni Epione ang bibig niya at magsasalita na sana para sumagot ng 'oo' pero agad siyang napatigil nang mapalingon siya sa direksyon ni Asher. Tahimik lang itong nakatitig sa kaniya pero sa hindi mapaliwanag na dahilan ay naiintindihan niya ang ibig sabihin ng mga tingin nito.


"aahh... mukang kailangan kong tumanggi-"


"Maraming salamat sa pagpayag, Dona Elis" agad na sagot ni prinsipe Alvin bago pa matapos ni Epione ang sinasabi niya at kasabay naman noon ay ang pag pitik niya ng kaniyang daliri na siyang dahilan ng biglang paglaho ni Epione sa tabi ni Asher at biglang pagsulpot sa sofa sa harapan ng prinsipe.


"F*ck" bulong ni Epione nang bigla siyang mahilo sa biglaang pagbabago ng kinaroroonan niya. Masyadong natuon ang atensyon niya sa pagkahilo na nararamdaman niya kaya hindi niya napansin na lumawak ang ngiti ng prinsepe nang marinig nito ang sinabi niya.

The Villain's Fairytale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon