Chapter 39 (Unedited)

4.1K 214 27
                                    

Unang beses palang na nagtama ang paningin naming dalawa ni Ianna, hindi ko na siya agad nagustuhan.

Siyempre isa sa dahilan ay dahil nakatakda siyang ikasal kay Asher pero bukod don, merong kung ano sa kanya na hindi ko gusto. Para bang pakiramdam ko'y pinanganak siya para sirain ang buhay ko.

At hindi nga ako nagkamali.

Nang lumusob ang mga halimaw sa kampo, sinasalubong namin ang pagdating ng mga karwahe ng mga opisyales na pinadala ng hari. Isa na doon ay ang karwaheng sinasakyan ni Asher at ni Ianna.

Bilang pagbibigay galang, kinakailangan naming lapitan ang dalawa at batiin sila sa ayaw at sa gusto namin. Gayunpaman, agad iyong naudlot nang makarinig kami ng kaguluhan at nabalitaang nakapasok na sa kampo ang mga halimaw.

Huli na nang mapagtanto namin ang totoong dahilan ng biglaang paglusob ng mga halimaw.

Iyon ay dahil ilang milya nalang pala mula sa kinaroroonan namin ang pintuan sa ibang dimensyon na siyang pinangangalingan ng mga halimaw.

Sa kasamaang palad, napagtanto ko lamang iyon nang itulak ako ni Ianna sa libo libong mga halimaw para makatakas siya.

Bagamat iyon ang naging daan upang matuklasan ko ang pintuang pinagmumulan ng mga halimaw at maisara iyon, katakot takot na sakit at paghihirap ang dinanas ko dahil sa ginawa ni Ianna.

***

Iyon ang dahilan kung bakit ganon nalang ang galit ni Epione kay Ianna na ngayon ay hawak hawak na niya sa leeg.

"Alam mo bang napakalaki ng atraso mo sakin sa nakaraang buhay mo?"

Hindi na nakasagot pa si Ianna nang maramdaman niya ang pagdaloy ng mahika sa katawan niya patungo kay Epione. Tila ba may isip ito na kusang bumabalik sa totoong may-ari sa kanila.

Nang mapagtanto niya iyon, agad siyang nagpumiglas sa mga kapit ni Epione. Hindi niya lubos na maintindihan kung bakit pero sigurado siyang kung patatagalin niya pa ang laban at hahayaang bumalik kay Epione ang buong kapangyarihan niya ay katapusan na ng panig nila.

Bagamat kahit anong pagpupumiglas ay hindi makawala si Ianna, bahagyang nahati ang atensyon ni Epione nang umatake si Gobernador Dawson.

Inakala ng dalawa na iyon na ang pagkakataon nila para mapagtulungang maipabagsak si Epione. Bukod sa dalawa sila, ramdam nilang wala pa masyadong mahika na nakakapanumbalik kay Epione. Idagdag mo pa ang katotohanang bakas sa katawan nito ang panghihina dahil sa pagpapahirap na ginawa nila sa kaniya bago magsimula ang labanan.

Iyon ang dahilan kung bakit hindi nila lubos akalain na sa ikalawang pagkakataon, pinigilan ni Epione ang espadang naka asinta sa leeg niya gamit lang ang mga kamay niya.

Bahagyang nanginig ang bihasang kamay ni gobernador dawson dahil sa malakas na impak ng pagtama ng espada niya habang sa kabilang banda, wala manlang bahid ng dugo sa kamay ni Epione.

"Lalo ka na..." Dagdag ni Epione nang magtama ang paningin nila ng gobernador.

Hindi alam ni Don Fernan kung bakit pero sa unang pagkakataon sa loob ng mahabang panahon, nakaramdam siya ng takot nang magtama ang paningin nila ng babaeng halos kalahati lang ng edad niya.

Hindi niya maintindihan pero parang may kung anong galit sa mga mata nito na hinding hindi lilipas lumuha man siya ng dugo.

...

Tahimik ang lahat at walang kumikibo. Ang tanging naririnig lamang ay ang pagtalsik ng dugo at ang mga sigaw sa sakit ni Ianna at ni Don Fernan. Bakas din ang gulat at pagkamangha sa mga mata ni prinsipe Alvin at Asher habang pinapanood nila si Epione na ginugulpi ang dalawang kalaban na hirap na hirap silang talunin kanina.

Nakaluhod pa din sila at naka-kadena ang mga kamay pero hindi na nila iyon napansin dahil nakatuon ang atensyon nila sa madugong eksena sa harapan nila.

Sandaling nagkatinginan si Asher at prinsipe Alvin bago humalakhak ang huli habang si Asher ay napangisi at napailing-iling.

Sa pagkakataon ding iyon lang sila natauhan at kumawala sa mga kadena sa tulong ng mga tauhan nila. Wala nang nagawa pa ang mga kalaban nila dahil gulat pa din sa mga pangyayari. Hindi nila lubos akalaing biglang mababaliktad ang sitwasyon dahil lang sa pagdating ng kilalang tahimik at marilag na Dona ng Caddel.

Walang kaalam-alam si Epione sa mga nangyayari na sa paligid dahil tutok ang atensyon niya sa dalawang nasa sahig sa harapan niya. Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang nagbubuntong ng galit niya sa dalawa na maraming taon ding naipon pero hingal na siya at halos hindi na mamukaan ang dalawa nang matauhan siya.

"Epione"

Napalingon si Epione nang marinig niya ang pamilyar na boses. Agad na kumalma ang galit sa mga mata niya nang magtama ang paningin nila ni Asher pero agad din siyang nataranta nang mapagtanto kung ano na ang itsura niya.

Puno parin ng dumi ang suot suot niyang puting damit. May mga pasa at sugat sa katawan niya at idagdag mo pang puno siya ng bahid ng dugo.

"A-" Hindi na niya natuloy ang sinasabi niya nang hawakan ni Asher ang kaliwang kamay niya.

Tahimik lang ito habang marahang hinahaplos ang pasa sa kamay niya.

"Masakit ba?" tanong nito dahilan para bahagyang mapangiti si Epione na agad namang natigil nang mapansin ang pamumula ng mga mata ni Asher.

Tahimik silang nagkatitigan. Walang salitang lumabas sa mga bibig ni Asher pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay alam ni Epione ang ibig sabihin ng mga tingin nito. Naaalala na din niya.

Nang mapagtanto iyon ni Epione, agad na nanumbalik sa kaniya ang mga ala-alang maraming taon niyang tinago sa limot. Naalala niya kung paanong pinagkaitan sila ng tadhana ng pagkakataon na sumaya o magpaalam man lang ng maayos sa isat isa.

Hindi tuloy napigilan ni Epione ang mga luha niya lalo na nang yakapin siya ni Asher. Sunubsob niya ang muka sa dibdib nito at humagulgol ng iyak.

"Wag ka nang mawawala"

Sa mga salitang iyon ni Asher ay mas lalo lang napahagulgol si Epione. Napahigpit pa ang yakap niya dito na tila ba takot na panaginip lang ang lahat at bigla siyang maglalaho.

***

Marahang hiniga ni Asher sa malambot na kama ang walang malay ni Epione. Hindi siya sigurado kung dahil ba iyon sa pagod sa sobrang pagiyak o dahil sa mga sugat na natamo nito. Gayunpaman, agad siyang tumawag ng mga manggagamot para alamin ang kalagayan nito.

Sa kabutihang-palad, wala naman siya sa kritikal na kundisyon. Kailangan lang na magamot ang mga sugat nito at makapagpahinga kaya hindi na niya kailangang mag-alala pa.

Nang marinig iyon ni Asher ay saka lang siya nakahinga nang maluwag.

Hindi niya parin lubos maintindihan ang mga ala-alang unti-unting bumabalik sa memorya niya. Sa mga ala-alang iyon ay tila ba nakaraang buhay niya kasama si Epione. Hindi siya makakasigurado hanggat walang malay si Epione pero sa ngayon, aasikasuhin na muna niya ang kaya niyang asikasuhin.

Tulad nalang ni Zeriel na agad niyang nakita pagkalabas na pagkalabas niya ng toldang pinagpapahingahan ni Epione.

Agad na kumunot ang nuo ni Asher nang magtama ang paningin nila. Naaalala niyang si Zeriel ang nagdala kay Epione sa labanan kanina at base sa mga pangyayari, mukang siya ang tumulong kay Epione na makatakas sa pinagkakakulungan niya.  Balak niya sanang 'bisitahin' ang mag-amang Dawson sa kulungan pero mukang ito na muna ang aasikasuhin niya.

Hindi umimik si Asher pero sinenyasan niya ito na sumunod sa kaniya at agad naman itong sumunod.

The Villain's Fairytale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon