Chapter 27 (Unedited)

4.5K 227 25
                                    

A.N. Sorry kung late, I tried na matapos ito before 12am pero may chat bigla ang aking adviser about something kaya 11pm na ko nakapagsimula magsulat :))) 


Nasa harapan na ni Asher ang matagal na niyang hinahanap. Nasa harap na niya ang taong naging dahilan ng lahat ng pinagdaanan niya na siyang nagtulak sa kaniya para maging masama pero wala tanging si Epione lang ang nakaka-alam sa bagay na iyon.

Sa pagkakataon ding iyon niya lang napagtanto na minsan, hindi maganda na marami kang nalalaman. Ano nalang ang iisipin ni Asher kapag nalaman niyang alam ni Epione ang lahat simula't sapul pero hindi niya sinabi?... hindi niya kinayang aminin?...

"Maupo kayo..." Aya ni Gobernador Dawson sa kanila bago umupo sa katapat na sofa.

"Malapit nang magsimula ang selebrasyon kaya kung maaari ay hindi ito magtagal, Don Fernan" Saad ni Asher habang inaalalayang umupo si Epione at tumabi sa kaniya.

Kasabay noon, isinara ni Ianna ang pintuan ng silid na siyang biglang nagparamdam ng kakaibang lamig kay Epione.

Hindi niya maintindihan kung bakit at pansin niya ding siya lang ang nakaramdam ng kakaibang sensayong iyon kaya hindi nalang niya pinansin.

"Nabalitaan ko ang tungkol sa nangyari sayo, Doña Elis... Hindi ba makakasama sayo ang pagdalo ngayon sa selebrasyon?" Panimula ni Don Fernan Dawson na siyang nagpakunot ng nuo ni Epione. Kakabanggit lang ni Asher na kung maaari ay mabilis lang ang usapan nila kaya hindi niya maintindihan kung bakit nagsisimula sa maliit na usapan ang gobernador imbes na sabihin ng diretsa ang pakay niya.

"Hindi naman daw makakasama sa akin ang pagdalo, sabi ng manggagamot na nagtingin sa'kin..." saad ni Epione bago ibinaling ang tingin kay Asher.

Sa pagkakataong iyon, napansin niya na wala sa pokus ang mga mata niya at nakatulala lang siya kay Ianna at kasabay noon ay tumindi ang lamig na nararamdaman niya kanina pa.

"Asher-"

"Balita ko ay sapilitan ang nangyaring kasalan sa inyong dalawa pero mukang hindi iyon totoo base sa kilos niyong dalawa..." Pagpuputol ni Gobernador Dawson kay Epione.

Sa mga salitang iyon, nakasigurado si Epione na may mali. Napalingon siya kay Asher at nakitang hindi ito gumagalaw ni kumukurap na parang nakatigil ang oras sa kaniya.

Nakaramdam siya nang kaba nang mapagtantong nasa ilalim ng kung anong mahika si Asher at hindi niya alam kung paano iyon mapapawalan ng bisa.

"Doña Elis..." Hindi na naintindihan ni Epione ang nangyayari sa paligid nang biglang sumikip ang dibdib niya at nanlamig ang buong katawan niya. Kung ano anong mga imahe ang pumasok isipan niya pero masyadong mabilis at sabay sabay ang mga kaganapan kaya wala siyang maintindihan.

Sa kabilang banda, Napanood ni Ianna ang lahat ng ekspresyon sa muka ni Epione at kung paano siya napahawak sa dibdib at sa sintido na para bang nakakaramdam ng kung anong sakit. Para bang nararamdaman niya ang mahikang pinapakawalan ni Ianna.

Napakunot ang nuo ni Ianna. Isang mataas na uri ng mahika ang ginagamit niya ngayon kay Asher at hindi iyon basta-basta mararamdaman ng kung sinoman. Maging si Asher ay hindi iyon naramdaman kaya imposible na maramdaman iyon ni Elis Aquariel na pinanganak na walang mahika.

"May mahika si Doña Elis" Kalmadong saad ni Gobernador Dawson habang pinapanood ang mga pangyayari. Napabuntong hininga siya at napa-iling iling, dismayado sa resulta ng unang misyong ipinagkatiwala niya kay Ianna.

"Imposible-" Hindi na natuloy ni Ianna ang sasabihin nang maramdaman niya ang matinding pwersa mula sa direksyon ni Epione na siyang nagpawala ng bisa ng kaniyang mahika.

The Villain's Fairytale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon