Chapter 31 (Unedited)

4.1K 211 23
                                    


Palubog na ang araw nang makabalik si Epione sa kwarto nila ni Asher. Pumapasok ang kahel na liwanag sa malaking bintana na siyang nagmumula sa palubog na araw. Isang mapayapang eksena sana ito kung hindi lang dahil sa malalakas na pagsabog na maririnig di kalayuan.

Nagkakagulo ang mga tao sa loob ng palasyo dahil sa pag atake ng mga di pa kilalang rebelde. Ang lahat ay nangangamba at natatakot na anumang oras ay makapasok sa palasyo ang mga kalaban at patayin ang lahat ng makikita nilang buhay. Ang iba pa ay naghahanda na para tumakas.

Gayunpaman, mas pinili ni Epione na manatili at maghintay sa balita. Hindi sa hindi siya natatakot pero para sa kaniya, wala siyang ibang mapupuntahan kung sakali mang piliin niyang tumakas.

Hindi na niya alam ang nakatakdang mangyari dahil malayong malayo na ang mga nagaganap sa orihinal na istorya kaya hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kung sundan niya man si Asher sa digmaang nagaganap sa labas ng palasyo, ano naman ang matutulong niya?

Banggit ni prinsipe Alvin na mayroon siyang mahika pero wala siyang kumpiyansa na gamitin iyon. Wala siyang ideya sa paggamit ng mahika kaya baka imbes na makatulong ay maka perwisyo pa siya kay Asher.

Napatigil sa pagiisip si Epione nang makaramdam siya ng hapdi sa may daliri niya. Napatitig siya dito at nakitang dumudugo na naman ito. Mukang hindi na naman niya napigilan ang pagkagad sa mga kuko niya.

Napabuntong hininga si Epione at pupunasan na sana ang mga daliri niya nang maagaw ng pagbukas ng pinto ang atensyon niya.

"Sino-" Hindi na natuloy ni Epione ang sasabihin niya nang magtama ang paningin nila ni Zeriel.

Biglang nakaramdam ng kaba si Epione. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari pero masama ang kutob niya sa kung bakit nandito si Zeriel na siyang panig sa kalaban.

Bahagyang ngumiti si Zeriel. Kasabay noon ay pumasok din sa silid ang dalawa pang lalaki na siyang humawak sa magkabilang braso ni Epione.

"Wala akong oras magpaliwanag dahil anumang oras ay pwedeng dumating si Don Asher pero isipin mo nalang na para sa ikabubuti mo ito, Doña Elis" saad niya bago tumango sa lalaking mahigpit na nakakapit sa braso ni Epione.

"Bitawan niyo ko!" Pagpupumiglas pa ni Epione pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, unti unting nanglambot ang mga tuhod niya at bumigat ang mga pilikmata niya.

Pinilit niya pang manlaban at kumawala hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng malay.

***

Malalakas na pagsabog at mga sigaw sa sakit ang maririnig sa kaguluhang nagaganap sa silangang bahagi ng palasyo. Nakakabingi ang mga kalembang sa tuwing nagkakakiskisan ang espadang pilak ng dalawang panig.

Sa kabila ng kaguluhan, makikita sa taas ng pader ng palasyo si Asher na kalmadong nakayuko sa madugong eksena sa harapan niya.

"Gaano karami ang tauhan ng kalaban?" tanong ni Asher kay Sero, ang isa sa mga punong sundalo ng militar.

"Aabot lamang sila sa Isang libo pero meroon silang sampung mahikero"

Bago pa matapos ang sinasabi ni Sero, napalingon si Asher sa kanan niya nang biglang magliyab ang kanyong hinahanda palang para tumira. Sandali itong nabalot ng apoy bago biglang sumabot. Sa unang tingin ay alam ni Asher na kagagawan ito ng isang mahikero.

Napakunot sa inis si Asher. Ibinaling niya ang tingin sa labanan at matiim na pinagmasdan ang mga tao doon. Hindi siya umimik at tumitig lang kung saan.

Hindi alam ni Sero kung ano ang ginagawa ni Asher pero malaki ang respeto at tiwala niya sa Don Caddel kaya hindi siya nagsalita kahit na unti unti nang nauubos yung mga kanyon nila.

Ilang segundo din sigurong walang imik si Asher bago niya inagaw yung kutsilyong nakasakbit sa sinturon ni Sero.

Mabilis ang bawat kilos nya kaya nakapagreact nalang si Sero nang mahagis na ni Asher yung kutsilyo at sapul na sapul itong tumama sa nuo ng isa sa mga kalaban.

Doon lang din napagtanto ni Sero na isa sa mga mahikero ng kalaban yung tinamaan ni Asher dahil sandaling tumigil yung pagliyab ng mga kanyon. Doon niya din napagtanto na nadedermina ni Asher kung sino ang mga mahikero sa pamamagitan lang ng ilang segundong pagmamasid.

Napanganga sa mangha si Sero at napatitig kay Asher. Nadagdagang muli yung respeto niya para dito.

"Sino ang kumander sa kabilang panig?" tanong ni Asher, hindi parin inaalis ang tingin sa labanan. Malamang ay hinahanap niya ang mga natitirang mahikero sa panig ng kalaban.

"Hindi sila nagpapakita pero nagpadala na ako ng tauhan para alamin, Don Asher" Saad ni Sero. Gusto niya pang idagdag na malamang ay natatakot silang magpakita kay Asher dahil sa oras na matalo sila sa labanan ngayon at matuklasan kung sino sila, hindi na sila sisikatan pa ng araw pero hindi na iyon nabanggit ni Sero nang dumating ang tauhang pinadala niya sa kabilang panig para mag imbestiga.

"Natuklasan mo ba kung sino ang nangunguna sa pag atake?" Tanong ni sero sa kaniya at agad naman itong tumango.

"Ilang kilometro pagawing kanluran mula dito, mayroong tolda na pagmamayari ng Dawson ang nakatayo"

Hindi na nagulat pa si Asher nang marinig ang apelyidong Dawson. Ibinaling niya nalang muli ang tingin sa labanan at nagsimulang hanapin yung natitirang dalawang mahikero sa panig ng kalaban pero agad siyang napatigil nang marinig niya ang sunod nitong sinabi,

"Sa loob ng tolda, nandoon si Gobernador Dawson at si... Don at Doña Aquariel... " Bakas sa tinig niya ang pag aalangan lalo na sa huling parte ng pangungusap na binigkas niya.

Hindi mo rin naman siya masisisi dahil si Don at Doña Aquariel ang mga magulang ng kasalukuyang Doña Caddel. Sa madaling salita, mga magulang ng asawa ni Asher ang kumakalaban sa kaniya.

Usap usapan ngayon kung paano nalaman ng kabilang panig na kasalukuyang wala sa palasyo si prinsipe Alvin. May mga nagsasabing may espiya sa loob ng palasyo pero dahil sa nasa panig ng kalaban ang Aquariel, malaki ang posibilidad na si Doña Elis Aquariel Caddel ang nagpapadala ng impormasyon sa kalaban.

"Walang ibang makaka alam nito" seryosong saad ni Asher. Walang emosyon sa muka niya at kalmado ang boses niya kaya walang nakaka alam sa kung ano ang tumatakbo sa isip niya dahil sa mga narinig niya. Pero agad na nawala ang kalma niya nang mabalitaan niya ang biglaang pagkawala ni Epione.

The Villain's Fairytale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon