Chapter 24 (Unedited)

4.9K 254 50
                                    

Warning: The following content contains HEAVY sexual content that is unsuitable for children. You can skip this chapter if it makes you uncomfortable but you might miss some important parts :)

***

Napabuntong hininga si Epione sa ikatlong pagkakataon habang pinagmamasdan ang kamay niya. Halos mapudpod na ang kuko niya dahil sa pagkagat dito nang hindi niya namamalayan.

Malamang ay nangyari iyon kanina pang umaga pero ngayon niya lang naramdaman yung hapding dulot noon.

'Mukang masyado akong nababahala ngayong ilang araw nalang ang nakatakdang pagkikita ni Asher at Ianna'

Muling napabuntong hininga si Epione at naramdaman ang panunubig ng mga mata niya pero agad niyang pinigilan yung luha niya nang abutin ni Asher ang nakaunat niyang kamay at pinagsiklop ang mga daliri nila..

Nakahiga sila ngayon sa kamang pinaghahatian nila mula nang unang gabi na makarating sila dito sa kapital. Madilim na ang kalangitan at ramdam pa ni Epione ang init mula sa katawan ni Asher na nakayakap sa kaniya patalikod pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi siya makaramdam ng antok.

Malamang ito ay dahil sa napakaraming bagay na tumatakbo sa isip niya.

"Anong problema?" Bulong ni Asher na kasalukuyang nakasubsob ang muka sa may batok ni Epione.

"Nagising ba kita?"

Bahagyang napatawa si Asher na siyang bahagyang nagpatindig ng balahibo ni Epione dahil ramdam na ramdam niya ang mainit nitong hininga sa may leeg niya.

"Ngayon alam kung bakit ayaw ni prinsipe Alvin na sinasagot ko ng tanong ang tanong niya"

Napangiti nalang si Epione habang nakatulala sa kamay niyang hawak hawak pa din ni Asher.

"Meron ba akong nagawang mali?"

Agad na umiling si Epione. Hindi naman kasalanan ni Asher ang mga bagay na nakatakdang mangyari sa kaniya.

Inalis ni Epione ang mga braso ni Asher na nakakapit sa may bewang niya bago ito dahan dahang hinarap. Nakapatay ang ilaw sa silid pero dahil sa liwanag ng buwan na nagmumula sa may bintana, kitang kita ni Epione ang mga titig ni Asher sa kaniya.

Matiim itong nakatingin sa kaniya, hinihintay kung ano ang susunod niyang sasabihin.

"Anong gagawin mo kung darating ang panahon na magkakagusto ka sa ibang babae pero hindi mo siya mapapakasalan dahil sakin?" Bulong ni Epione habang marahang ginagala ang kamay sa mga braso ni Asher na may bakas ng kalmot niya.

"Hindi mangyayari 'yon" Agad na sagot ni Asher bago niya hinila si Epione palapit at sinubsob ang muka sa may leeg nito.

Nakaramdam ng kung anong kiliti si Epione nang maramdaman ang hininga ni Asher sa may leeg niya. Hindi niya alam kung bakit pero gustong gusto niya ang pakiramdam kapag sinusubsob ni Asher ang muka sa may leeg niya. Hindi niya lubos akalain na si Asher, ang kinakatakutan ng mga tao dito sa kaharian, ang lalaking nakayakap sa kaniya.

Bahagyang napangiti si Epione bago ipinulupot ang mga braso sa leeg ni Asher at mas hinila pa ito papalapit. Ramdam niya pa din ang lungkot at paga-alala sa dibdib niya pero kahit papaano ay mas nabawasan na ito.

"Kung sakali lang na mangyari... ano ang gagawin mo?"

Imbes na sumagot ay imiling lang si Asher na para bang sinasabi na 'hindi iyon mangyayari kaya hindi ko kailangang sagutin ang tanong na yan'

Sa pagkakataong iyon ay napagtanto ni Epione na hindi siya makakatanggap ng maayos na sagot mula kay Asher kaya sinubukan niyang ibahin ng kaunti ang tanong.

The Villain's Fairytale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon