Chapter 28 (Unedited)

4.6K 231 52
                                    

Tahimik at aligaga ang bawat isa sa loob ng mansyon ng Caddel. Maingat ang kilos ng bawat katulong lalo na sa mga nagsisilbi ng diretso kay Asher dahil sa nakakatakot na awrang nagmumula dito.

Nagsimula ang sitwasyong ito sa mansyon ilang araw ang nakakaraan. Iyon ang gabi ng selebrasyon sa palasyo. Isa dapat iyong masayang selebrasyon pero walang malay ang Señora ng mansyon pagbalik nila mula sa palasyo.

Walang nakaka alam sa totoong nangyari pero bali balita na may kinalaman ang pamilyang Dawson dahil sa usap usapang sila ang huling nakausap nina Asher at idagdag mo pa ang pagkasunog ng mansyon nila kinabukasan.

"Don Asher, H-hindi ko alam kung paano at kung bakit pero mukang awakening ng mahika ang nararanasan ni Doña Elis kaya hindi padin siya nagigising..." nag a-alangan na saad ng manggagamot na nagtingin sa kalagayan ng walang malay na si Epione. Nandito siya ngayon sa mansyon ng Caddel.

( A.N. Anong magandang tagalog ng awakening :> )

Isa siyang propesyonal na doktor at kumpiyansa siya sa kaniyang kakayahan sa panggagamot pero hindi niya mapigilang magalin-langan sa nasaksihan niya sa pagsusuri sa kalagayan ng Señora ng Caddel.

Ang awakening ng kapangyarihan ng isang tao ay nagaganap sa mga unang taon ng kaniyang pagkapanganak. Mawawalan siya ng malay loob ng ilang araw at mababalot ng mana ang kaniyang buong katawan. Ganon na ganon ang nagaganap ngayon kay Epione.

Maputi na ang buhok ng doktor at marami na siyang nasaksihang di pangkaraniwang sakit at mga pangyayari pero ito ang unang beses na nakasaksi siya ng awakening sa ganitong edad.

"Anong dahilan nito?"

Inaakala ng doktor na magdududa si Asher kung totoo ang sinasabi niya kaya hindi niya inaasahan ang tanong nito. "A-ah? Oh, nangyayari ang awakening sa unang pagkakataon na makakaramdam ng mataas na uri ng mahika ang isang tao kaya malamang ay ganon din ang nangyari sa Doña"

Napatahimik si Asher. Akala niya nung una ay may kung anong mahika ding inilagay si Ianna Dawson kay Epione pero mukang iba ang totoong nangyari. Naiintindihan na niya kung paanong biglang nawalan ng bisa ang mahika ni Ianna sa kaniya.

"Sinabi ko na sa'yo na may kakaiba sa mahika ni Doña Elis pero pinigilan mo akong magimbestiga" saad ni prinsipe Alvin pagkapaalis ni Asher sa doktor.

Napalingon si Asher at doon, nakita niya sa may sofa, nakadekwatro si prinsipe Alvin. Hindi niya alam kung kailan pa siya nandoon dahil bigla nalang siyang sumulpot pero hindi na siya nagulat pa.

"Bwede ka bang umalis? Ayaw kong makita ang pagmumuka mo ngayon" Inis na saad ni Asher bago naglakad papunta sa tabi ng kamang kinahihigaan ni Epione.

"Hindi ako naniniwalang ngayon lang" saad ni prinsipe Alvin bago tumayo at naglakad papalapit kay Asher.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, naging seryoso ang paligid kaya napatingala sa kaniya si Asher.

"May nagtangka sa buhay ng hari kagabi at malala ang kalagayan niya ngayon..." Seryosong saad ni prinsipe Alvin. Kapansin pansin na walang halong paga-alala o pangamba sa boses niya na parang hindi niya kadugo ang tinutukoy niya.

Napakunot ang nuo ni Asher dahil doon.

"Malaki ang posibilidad na kagagawan ito ng pamilyang Dawson bilang pagganti sa ginawa mong pagsunog sa mansyon nila noong nakaraang araw" saad ng prinsipe.

"Pinatutunayan lang nito na kampi sila sa panig ng mga maharlika at ito na ang simula ng paga-alsa nila sa familia real."

Napatango si prinsipe Alvin. Alam ng lahat na magkakaroon ng pag a-alsa dahil sa lagay ng kaharian. Ngayon na nasa kritikal na kalagayan ang hari, hindi nila papalagpasin ang pagkakataon na mag alsa kaya hindi na nakakagulat kung magiging madugo ang mga susunod na araw.

The Villain's Fairytale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon