Chapter 34 (Unedited)

4.6K 235 54
                                    

Napansin ng hari ang pagiging malapit namin ni Asher at iyon ang naging dahilan kung bakit niya minadali ang pagpapabalik sa akin sa labanan gayong hindi ko pa lubusang nakokontrol ang taglay kong kapangyarihan.

Makulay at engrande ang parada na inihanda ng hari para sa pagalis ng mga hukbong lalaban sa gera laban sa mga hukbo ng kadiliman. Nagkalat ang mga bulaklak sa sahig na inaapakan ng mga kabayong aming sinasakyan. Naghihiyawan ang mga tao, may mga pagasa sa mga mata nila na ang iuuwi namin ay balita ng pagka panalo.

Nasa isang libo ang kabuuang bilang ng mga sasabak sa labanan at isa ako doon. Kasalukuyan kaming naka sakay sa kani kaniyang kabayo habang naglalakad sa gitna ng madaming tao. Maliwanag ang hari at maingay ang paligid. Tila ba hindi kamatayan ang kahaharapin namin sa aming patutunguhan.

Ilang minuto din siguro ang inabot namin sa parada mula sa palasyo hanggang sa mataas na pader ng kapital. Nasa harapan kami ng malaking pintuan na minsan sa isang taon lang binubuksan dahil sa panganib na nananahan sa labas nito.

"Takot ang pangunahing nararamdaman ng tao sa tuwing mga halimaw ng kadiliman ang pinaguusapan." Panimula ng hari na siyang nakatayo sa itaas ng mataas na pader.

Nasa tabi niya ang dalawang prinsipe at sa likuran niya ay ang mga maharlikang pangunahin niyang katuwang sa pamamahala ng kaharian Sa pinaka gilid ay nasilayan ko si Asher na nakatingin din sa akin pabalik.

Hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon na makapagusap muli dahil naging abala na ako sa paghahanda para sa araw na ito.

"Ang mga halimaw na kumitil ng buhay ng mga kalahi natin ang naghahari sa labas ng pader na ito. Maraming hari na ang sumubok na tapusin ang krisis na ito. Maraming dugo na ang dumanak at marami ang nawalan ng pamilya. Maraming beses na tayong nabigo pero ngayong araw... mayroon tayong kasama na hinulaang tatapos ng paghahari ng kadiliman"

Sa mga salitang iyon, naramdaman ko ang pagbaling ng mga tingin ng karamihan sa direksyon ko. Ang iba ay may tingin ng pagasa, mayroong puno ng pagdududa, at mayroong puno ng pagkadismaya.

Hindi sikreto sa lahat ang tungkol sa mahikang taglay ko dahil bukod sa maraming nakasaksi sa unang beses na nasabak ako sa isang gera, Nakasaad sa isang propesiya na mayroong ipapanganak na may kakaibang katangian na siyang tatapos ng paghahari ng kadiliman.

Marami ang naniniwalang ako ang tinutukoy sa propesiyang iyon pero marami ding hindi kumbinsido na mabuti ang idudulot ko sa kaharian. Marami ang naniniwala na isa ako sa hukbo ng kadiliman kaya ako may taglay na kapangyarihang tulad ng sa kanila kaya ganon nalang ang sama ng tingin ng iba sa akin.

"Tulungan nawa kayo ng langit at isang mabuting balita ang mabalitaan namin mula sa inyo." Huling banggit ng hari bago niya pinabukas ang malaking pintuan.

Ako ang nasa pinakaunahan kaya hindi na ako nag aksaya pa ng panahon at pinalakad muli ang sinasakyan kong puting kabayo. Ramdam na ramdam ko ang pagdampi ng malamig na hangin sa pisngi ko bago ito susuklay sa bawat hibla ng buhok ko. Mabigat ang suot suot kong baluti (armor) at ang espadang nakasabit sa aking bewang.

Gayunpaman, hindi ko hinayaang makita sa muka ko ang halo halong emosyong nararamdaman ko kahit noong nagtama ang mga mata namin ni Asher sa huling pagkakataon.

Hindi ko alam kung gaano katagal aabutin ang labanang ito. Hindi ko alam kung makakapanatili ba akong buhay at lalong hindi ko alam kung magkikita pa kaming dalawa.

***

Napangiwi ako sa pandidiri nang tumalsik sa pisngi ko ang malagkit at itim na dugo mula sa halimaw na nasa harapan ko. Mayroon siyang malaki at mahabang dalawang pangil. Magaspang at matigas ang itim na itim niyang balat at nanlilisik ang pula at dilat na dilat niyang mga mata.

The Villain's Fairytale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon