Chapter 29 (Unedited)

4.5K 222 29
                                    

Dahan dahang minulat ni Epione ang mga mata niya at tumambad sa kaniya ang isang hindi pamilyar na kisame. Dahan dahan siyang bumangon sa malambot na kamang kinahihigaan niya pero nakaramdam siya ng matinding sakit ng ulo bago niya pa mapagmasdan kung nasaan siya. Minasahe niya ng bahagya ang sintido niya bago sinulyapan ang magarang silid na kinaroroonan niya.

Higit na malawak ang silid kumpara sa kwarto nila ni Asher sa mansyon at higit na mas magara ang mga kagamitan. Mataas din ang kisame at ang mga bintanang gawa sa salamin na sinakop ang isang buong pader.

"Kung kailanganin mo ako sa panahong wala ako sa tabi mo... tawagin mo ako sa aking pangalan"

Napatigil si Epione nang mag-echo sa utak niya ang mga katagang narinig niya bago siya magising. Sigurado siyang boses niya ang narinig niya pero hindi niya maalalang nabanggit niya iyon kanino man. Nakatakda ba iyong mangyari?

Naalala niyang maiksi ang buhok ni Asher sa panaginip na iyon kaya kung nakatakda man iyong mangyari, palatandaan niya ay kung maggugupit ng buhok si Asher kaya nagkibit balikat nalang siya bago bumangon mula sa kama.

Nakakakilabot ang eksenang iyon pero alam ni Epione na kahit gaano kalalim na pag i-isip ang gawin niya ay wala siyang mapapala. Ibinaling nalang niya ang atensyon sa paligid para alamin kung nasaan siya.

Napansin niya di kalayuan ang isang nakabukas na pintuan. Natanaw niyang sa loob ng silid na iyon ay may mga nagtataasang aparador ng aklat. Naglakad siya papasok doon at tumambad sa kaniya ang isang silid na puno ng libro ang mga pader.

Mayroong ikalawang palapag ang silid pero bukas ang gitnang bahagi nito kaya kitang kita mula sa unang palapag ang nakalambiting candelabro sa mataas na kisame. Kita din mula sa kinaroroonan ni Epione ang mas marami pang mga libro sa ikalawang palapag pero mas natuon ang atensyon niya sa harapan niya.

Sa unang palapag ng silid ay may lamesang kinalalatagan ng isang malaking mapa ng kapital. Di kalayuan mula sa lamesang iyon ay isang lamesang pang opisina na siyang kinapapatungan ng mga nagtataasang papeles.

Gayunpaman, naaninag ni Epione na may tao sa likod ng nakatambak na mga papeles na iyon kaya dahan dahan siyang naglakad papalapit.

Nakaupo si Asher sa isang upuan pero nakapatong ang ulo niya sa kaniyang braso sa ibabaw ng lamesa. Bahagyang hinahangin ang buhok niya dahil sa nakabukas na bintana sa likuran niya pero hindi mapigilan ni Epione na mapangiti habang pinagmamasdan ang tulog na si Asher. Hindi siya makapaniwalang asawa niya ang gwapong nilalang na nasa harapan niya ngayon.

Dahan dahan siyang umupo sa may lamesa, nagiingat na hindi magising si Asher pero agad siayng napatigil nang mapansin ang pagkunot ng nuo ng huli. Mukang nananaginip na naman siya.

Nabawasan na ang masasamang panaginip ni Asher nang regular na niyang iniinom ang tsaa na tinitimpla ni Epione para sa kaniya pero dahil sa dami ng kaganapan nitong mga nakaraang araw at idagdag mo pa ang katotohanang wala si Epione para magpaalala sa kaniya, madalas niyang nakakalimutang inumin yung tsaa.

Napabuntong hininga si Epione bago iniunat ang kamay niya para hawiin yung buhok ni Asher na nagulo ng hangin at hindi na siya nagulat nang biglang dumilat si Asher at pinigilan yung kamay niya. Napansin niya pa ang kabilang kamay ni Asher na nakapasok sa may bulsa niya na para bang may kukunin pero agad siyang tumigil nang mapagtantong si Epione ang nasa harapan niya.

'Ngayon alam ko na kung saan nanggaling yung patalim na tinutok niya dati sa leeg ko'

Dumiretso ng upo si Asher bago sinuklay ang buhok. Nakahawak pa din siya sa may pulsuhan ng kanang kamay ni Epione pero imbes na bitawan ay hinila niya ito papalapit sa kaniya.

The Villain's Fairytale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon