Chapter 23 (Unedited)

4.8K 276 53
                                    

Bagamat kakaiba sa pandinig sa mga mamamayan ng kaharian ng Castile ang pangalang 'Epione', hindi na bago sa kanila ang istorya na kaakibat ng pangalang ito. Ang istorya ng pagsisimula ng mahika.

Ang istoryang iyon ay pinaniniwalaang nangyari ilang libong taon na ang nakakaraan. Walang opisyal na dokumento na nagpapatunay na nangyari ito at pasalin-salin lamang ito sa mga kwento kwento kaya tinuturing lamang itong Isang alamat.

Base sa kwento, si 'Epione' ang kauna unahang tao na ipinanganak na may mahika. Sabi ng iba ay isa siyang diyosang nagkatawang tao, sabi naman ng iba ay isa siyang anghel ng kalangitan na pinatapon sa lupa. Marmaing bersyon ang storya pero sa lahat ng bersyon na iyon ay sinasabing pinangunahan niya ang mga giyera laban sa mga kalaban ng kaharian at maging ang mga demonyong naghahari sa sanlibutan. Kinilala siya bilang pinaka magiting na mandirigma at tiningala bilang pinaka marangal na personalidad sa panahong iyon. Sinasabi na halos lahat ay nasa kaniya na, maliban sa nagiisang tao na napusuan niya.

Sa kasamaang palad, nagkagusto si 'Epione' sa taong nakatakda nang ikasal sa iba. Ang pinakamasakit sa lahat ay hindi nagkaroon ng pagkakataon si Epione na sabihin ang nararamdaman niya dahil kinailangan niyang isakripisyo ang buhay niya sa isang gera laban sa mga demonyo alang alang sa kaligtasan ng buong kaharian. Alang alang sa mga mamamayan ng kaharian na siyang kinabibilangan ng nagiisang lalaki na kaniyang nagustuhan.

Sabi sa kwento, lahat ng sanggol na ipinanganak noong araw na iyon ay nagkaroon ng mahika at iyon ang simula ng pagkakaroon ng mga mahikero. Ilang henerasyon na ang lumipas at malaki ang posibilidad na marami nang nadagdag at nabawas sa totoong kwento pero hanggang ngayon ay alam na alam parin ng lahat ang pangalang 'Epione'

***

"Alam kong ayaw na ayaw mong pumupunta sa mga ganitong pagpupulong pero hindi mo kailangang ipahalata sa muka mo, Don Asher" Kumento ni prinsipe Alvin nang makita ang seryoso at naiiritang muka ni Asher pagkatapos na pagkatapos ng pagpupulong ng mga kinatawan ng mga pamilya principalia.

Imbes na sumagot ay hindi siya pinansin ni Asher at nagpatuloy lang sa paglalakad papunta sa karwaheng sinakyan niya papuntang palasyo.

"Uuwi ka na ba, Don Asher? Hindi mo manlang ba ako kukumustahin?"

"Mas pipiliin ko nalang na tapusin ang mga trabaho ko keysa makipag-kwentuhan sayo, kamahalan" sagot ni Asher bago mas binilisan ang paglalakad pero agad siyang napatigil nang marinig ang sunod na sinabi ni prinsipe Alvin.

"Ganon ba? Napakarami ko pa namang gustong pag-usapan tungkol kay Doña Elis"

Napakunot ang nuo ni Asher at masama ang tingin na nilingon ang kaibigan niya pero nginitian lang siya nito. "Mukang interesado ka sa sasabihin ko, Don Asher. Bakit hindi natin ituloy ang usapan sa mas pribadong lugar?"

Labag man sa loob ni Asher, sinundan niya si prinsipe Alvin para malaman kung ano ang gusto nitong sabihin na may kinalaman kay Epione.

"Anong gusto mong pag-usapan?" Diretsong tanong ni Asher nang oras na silang dalawa nalang ni prinsipe Alvin.

"Maupo ka muna" suhestyon ni prinsipe Alvin sabay turo sa isa sa mga upuan.

Nasa isang malawak na silid sila ngayon. Mataas ang kisame na pinaglalambitinan ng candelabro at kurtina sa nagtataasan ding bintana. Kumikinam ang sahig at halos lahat ng kagamitan ay kulay puti.

Sa unang tingin ay mapapamangha ka sa ganda ng silid pero hindi doon nakatuon ang atensyon ni asher na kasalukuyang nakaupo sa malambot na sofa sa gitna ng silid.

Umupo si prinsipe Alvin sa harap niya bago nagsalita. "Mayroong mahika sa kaluluwa ni Doña Elis"

Hindi tulad ng inaasahan ni prinsipe Alvin, walang pagbabago sa ekspresyon sa muka ni Asher na siyang nagpakunot ng nuo niya.

The Villain's Fairytale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon