Chapter 36 (Unedited)

3.5K 174 5
                                    

Halos naging pula na ang kasuotan ni Asher dahil sa bahid ng dugo. May bakas na ng pawis sa leeg niya at pansin nadin ang hingal sa bawat paghinga niya. Gayunpaman, hindi tumigil ang mga kamay niya sa pagpaslang sa mga kalabang madadaanan niya. Walang pag aalin-langan ang mga kilos niya na tila ba sanay na sanay na siya sa ginagawa niya.


Iyon ang imaheng nasaksihan ng lahat. Matagal na panahon ding nawala sa kapital si Asher kaya nakalimutan na ng mga tao dito kung gaano ito ka walang-awa sa mga kalaban niya.


Hindi nila lubos akalaing magiging ganito kadugo ang labanan partikular na sa panig ng mga nag a-alsa. Akala ko ba't basta wala si Prinsipe Alvin ay malaki ang tiyansa naming manalo??? Hindi ba walang mahika si Don Asher??? At bakit nandito na siya sa labanan???


Nang sandaling mabalitaan ni Asher ang pagkawala ni Epione, Siya na mismo ang bumaba sa labanan para tapusin iito. Mapanganib ang ginagawa niya dahil sa oras na mapahamak siya ay mawawalan ng lider ang panig nila pero gayunman ay di siya nag alinlangan.


Agad namang naging pabor sa panig nila Asher ang labanan nang oras na sumali siya. Nabawasan ang kabilang panig ng di kapani-paniwalang bilang. Nabalot ng takot ang mga puso nila kaya ang mga natitira ay nagdesisyon nalang na tumakas.


Siyempre, hindi iyon hinayaan ng mga tauhan ni Asher. Hinabol sila ng mga ito saan man sila tumakbo. Nakapagtago man ang iba sa isang malapit na gubat, hindi sila nakatakas.


"Napaligiran na namin ang gubat Señor, Napaslang namin ang lahat ng natagpuan naming nagtatago pero mukang ang iba'y nakatakbo sa kuta nila" Paguulat ni Sero kay Asher.


"Nasa loob ba ng gubat yung kutang sinasabi mo?"


Tumango si Sero. "Sa kutang iyon din namataan sila Gobernador Dawson at ang mag-asawang Aquariel... Malaki din ang posibilidad na nandoon ngayon si Doña Elis"


May pagaalin-langan sa boses ni Sero sa huling bahagi ng pangungusap niya. Wala mang nagsasalita- o sabihin nating walang lantarang nagsasalita, may mga nagdududa kung totoo bang espiya ng kabilang panig ang Doña ng Caddel.


Bukod sa balitang biglaang pagkawala nito sa oras na lumusob ang mga kalaban, hindi maikakailang anak siya ng Aquariel. Idagdag mo pa ang katotohanang nalaman ng kabilang panig ang impormasyong wala sa palasyo si prinsipe Alvin. Saktong sakto pang ang mag-asawang Caddel at ang ilang mapapagkatiwalaang persona lang ang nakaka-alam tungkol sa bagay na iyon.


"Maghanda kayo sa paglusob" matipid na saad ni Asher na agad namang kinontra ni Sero.


"Don Asher, hindi ba natin aalamin muna ang sitwasyon bago sumugod? Malaki ang posibilidad na isa itong patibong-"


"Ayaw kong inuulit ang sarili ko, Sero" Pagpuputol ni Asher sa sinasabi niya kaya naman wala na siyang nagawa kundi tumango.


Ilang oras na ang nakalipas mula nang marinig ni Asher ang balita ng pagkawala ni Epione. Bagamat sinubukan niyang itago pansamantala ang tungkol sa bagay na iyon, madami ang nakapansin ng pagkawala ng Dona ng Caddel sa palasyo.

The Villain's Fairytale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon