Chapter 5 (Unedited)

5.5K 261 2
                                    

"Pasok" walang ano anong sabi ni Asher nang makarinig siya ng katok mula sa pinto ng opisina niya.


Bumukas ang pinto at nakarinig siya ng hakbang ng mga paa, tanda na pumasok na sa loob kung sino man ang kumatok. Hindi inalis ni Asher ang tingin niya sa ginagawa niya pero sigurado siyang si Epione ang nasa harapan niya.


Nitong mga nakaraang araw ay walang palya si epione sa paghahatid ng tsaa niya sa tuwing hapon na dapat ay responsibilidad ng isa sa mga katulong. Bagamat walang pakialam si Asher kung sino man ang magdala sa kaniya ng tsaa, hindi niya maintindihan kung bakit sinasayang ni Epione ang oras niya sa paggawa ng isang bagay na hindi naman niya kailangang gawin.


Noong unang beses na makita siya ni Asher, puno ng takot ang mga mata ng nito kaya doon pa lang, napagdesisyunan na ni Asher na hindi niya papakelaman ang buhay ng babaeng mapapangasawa niya at hahayaan lang itong mabuhay ng mag-isa sa malaking masyon. Tutal malaki naman ang mansyon ng Caddel, maliit lang ang posibilidad na magkita silang dalawa lalo na't hindi halos umaalis ng opisina si Asher. hindi niya lang inaasahan na si Epione mismo ang bibisita sa opisina niya araw araw tuwing hapon.


Tahimik na pinanood ni Asher ang babaeng may ginintuang buhok habang inilalagay nito ang dala dalang bandeha sa lamesa sa pagitan ng dalawang sofa. Nasa lamesa pa rin yung bandeha na dinala niya kahapon pero tahimik lang ito at hindi man lang nagreklamo.


Napabuntong hininga si Epione bago binuhat yung bandeha na dinala niya kahapon. Walang nabawas sa tsaa sa loob ng tsarera kahit na kahapon pa ito nandoon, patunay na hindi ginagalaw ni Asher yung mga tsaang dinadala niya.


"Anong kailangan mo?"


"huh?" muntik nang mabitawan ni Epione yung dala dala niyang bandeha nang biglang magsalita si Asher. Nitong mga nakaraang araw, tanging ang mga salitang 'Pasok' at 'pwede ka nang umalis' lang ang bukambibig ni Asher sa kanya kaya naman ganun nalang ang pagkagulat niya.


"Sigurado akong meron kang motibo kung bakit mo sinasayang ang oras mo sa pagdadala ng tsaa na hindi mo naman responsibilidad" seryosong saad ni Asher, ni hindi man lang tinitignan ang kausap niya.


"Hindi mo kailangang mag alala, Asher. Gusto ko lang makuha ang tiwala mo kaya ko ginagawa to"


"Tiwala? Ano namang mapapala mo pag nakuha mo ang tiwala ko?"


"Kung makukuha ko ang tiwala mo, hindi mo na 'ko susubukang ipagtabuyan palayo"


Itinaas ni Asher ang tingin niya at napatitig sa muka ng babae. Hindi siya agad nakapagsalita dahil medyo nagulat siya sa sinagot nito sa kaniya.


"Isa pa, walang lason yung tsaang dinadala ko kaya pwedeng pwede mo iyong inumin" nakangiting saad pa ni Epione bago siya bahagyang yumuko bilang paalam at naglakad palabas ng opisina. Hindi na siya pinigilan pa ni Asher pero ramdan na ramdam niya ang titig nito hanggang sa tuluyan na siyang makalabas ng silid.


Ilang segundo ding napatulala si Asher sa nakasarang pinto ng opisina at nabalik lang ang atensyon niya nang magulat siya sa muling pagbukas ng pinto.

The Villain's Fairytale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon