KABANATA 14

152 15 0
                                    

Dana


"Frey, sasama na lang ako sainyo—"


"Dito ka nga lang sabi. Si Keisha magdedesign lang yan at mag-oorganize ng presentation natin. Ako nagtetake down lang. Ikaw malaki role mo at ikaw ang mas nakakaalam kaya ikaw ang maiiwan dito. Okay? Okay." Mahabang saad niya at hinila na si Keisha palabas.



"Frey!" Halos maiyak na sambit ko sa pangalan niya.


Lumingon siya sa'kin, "Pagbalik namin dito, dapat may naisip nang concrete na plano ha? Sige na, mabilis lang naman kami." Saad niy at lumabas na silang dalawa.


Frey naman eh!


Napapadyak na lang ako sa inis. Naman kasi eh!



"Oh ba't nagdadabog ka na naman?" Napalingon ako sa nagsalita at gusto ko na atang mag-evaporate nang makita siya.



Dana, ano ba? Umayos ka nga!



Awkward akong bumalik at umupo sa sofa. Nagpanggap na lang akong nagbabasa ng mga articles.



Mas gusto ko pang tingnan itong file kahit na nagkakarambolan na ang isip ko at hindi ko maintindihan itong nakasulat kaysa sa tumingin kay Miguel.



"Hoy." Saad niya at automatic na bumaling ang ulo ko sa direksyon niya.



Taena naman! Ni sariling katawan ko na ayaw nang makipagcooperate sa'kin?


"Anong ginagawa mo?" Tanong niya.



Tumikhim naman ako, "Ano sa tingin mo? Edi nagbabasa. Halata naman, 'diba?" Sagot ko.


"Ahh, hindi mo naman sinabing may talent ka pala magbasa ng pabaliktad." Sambit niya naman.


Ha?



Tiningnan ko nang maigi ang binabasa ko at nanlaki ang mga mata ko nang makitang baliktad nga!



Ano ba naman Dana! Napaka engot mo!



Ibinaba ko ang hawak ko na puno ng kahihiyan. Namamawis na ata ang kili-kili ko dahil sa kaba at hiya.



Tumingin na lang ako sa kawalan at kumurap ng ilang beses. Hindi talaga ako mapakali. Lalo na't kami lang dalawa rito. Natrauma na ata ako na kami lang ni Miguel ang magkasama sa iisang kwarto.


Shet! Double shet!


Akala ko magiging tahimik na kaming dalawa pero nagsalita na naman siya.


"Sabihin mo nga sa'kin..."



Hindi ako tumingin sakanya, nanatiling nasa harap ko ako nakatingin. Bahala na pero parang mas gusto ko pang tumingin sa pader kaysa sakanya.



"Sabihin ang ano?"



"May problema ka ba sa'kin?" Tanong niya.



Ha?



Dahil hindi ko alam ang irereact ay natawa na lang ako. Parang gusto kong sampalin ang sarili ko ngayon, as in ngayon na.



"Problema? Sayo? Pfft. Wala! Hahaha! Ano bang pinagsasabi mo diyan?" Saad ko nang hindi pa rin tumitingin sakanya.



Holdap (Kinuha Na Nga Sa'kin Ang Lahat, Hoholdapan Mo Pa Ako?!)Where stories live. Discover now