KABANATA 5

161 18 1
                                    

Dana


"Ano, tutunganga ka lang diyan?" Aniya na bumasag sa mala anghel niya nang persona na nakikita ko.


Samson ba kamo? Tama nga, bagay sakaniya ang araw kasi ang sakit niya sa mata! Che!


"Ewan ko sa'yo. Alam mo, nasasayang ang oras ko. Dapat nasa terminal na ako ngayon eh, kung 'di ka lang tinopak at may paharang-harang ka pa sa daan na nalalaman!" Inis kong sambit.


Sa lahat ng lalaking nakasalamuha ko, itong Samson na 'to ang pinakamahirap na ispelengin sa lahat!


Pinagcross ko ang dalawa kong braso habang nakatingin sakanya. Naghihintay ako ng eksplanasyon. Magsalita ka na, Miguel. Nakakabwiset ka rin talaga most of the time.


Tinaas niya ang kilay niya at nagbuntong-hininga. Ano 'to, masyado bang makapal ang hangin kaya buga siya nang buga?


"Sorry." Aniya na ikinabigla ko.


Sorry? Sorry sa alin?


"Sa pangtitrip sa'yo. Nung gabi..." Dugtong niya.


Napaawang ang labi ko. 


Ahh, yun? Yung panghoholdap niya kuno sa'kin?


Pinanliitan ko siya ng mata, "At sa tingin mo, madadala mo'ko sa simpleng sorry lang?" Mataray kong saad.


Tiningnan niya naman ako ng masama. Aba't, siya pa ang may ganang umattitude?


"Ano pa gusto mong gawin ko? Dagdagan ang mangga mo? Gusto mo ng pomelo?" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.


Seryoso ba 'tong isang 'to? Sa siyudad nadadala sa fast foods ang mga babae, tas ako, idadala niya sa prutas niya?


"Ano nga?" Nawawalan na ng pasensya na tanong niya.


"Wala! Bahala ka sa buhay mo!" Nagmartsa na ako papunta sa D-max. Kapal ko 'no? Ah bahala siya diyan. Pinabayad niya sa'kin ang tricycle so that means siya ang maghahatid sa'kin.


Pumasok na ako at umupo sa passenger seat. Bahala siya diyan. Naiinis ako sakanya, tumataas ata ang blood pressure ko kapag siya ang kaharap ko. 


Maya-maya ay bumukas na ang pinto sa kabila at umupo na siya sa driver's seat.


"Sa terminal ka, 'diba?" Kaswal na tanong niya na para bang wala lang nangyari kanina sa labas.

Huminga ako ng malalim, "Oo." Simpleng sagot ko. Ayaw ko nang masyadong magsalita baka pumutok na ang ugat ko sa inis.


Ilang minuto kaming tahimik habang nagbabyahe. Kung siya parang wala lang sakanya, ako naman parang hindi ako mapakali na hindi ko maintindihan.

Holdap (Kinuha Na Nga Sa'kin Ang Lahat, Hoholdapan Mo Pa Ako?!)Where stories live. Discover now