KABANATA 21

78 11 0
                                    

Dana


Kahit puno ng shock ang lahat, nagawa naman naming tapusin ang niluto namin at inihanda na sa lamesa. Siniko pa ako ni Frey at Keisha kanina, "May utang kang chika sa'min." Saad pa nilang dalawa.


Mukhang kailangan ko na atang ichika sakanila. Hindi ko na kaya icontain ito sa sarili ko lang.


Six-seater ang dining table. Sa pinakadulo pumwesto si Armani. Naupo na din sina Frey at Keisha sa bandang kaliwa ni Armani. Uupo na din sana ako sa bandang kanan ni Armani nang unahan ako ni Miguel.


Napaawang ang labi ko at tumingin sakanya, "Anong problema mo? Ba't nang-aagaw ka ng pwesto?" Tanong ko sakanya.


Tumingin siya sa'kin at ipinagdikit ng mariin ang labi niya.


"Bakit ka din nagrereklamo? May bakante naman diyan sa tabi ko?" Nginuso niya pa ang dalawang bakante na upuan.


Napabuga ako ng hangin dahil sa logic niya, "That's the point! May bakante pa dito pero ba't nang-aagaw ka ng pwesto ng iba?" Hindi ko makapaniwalang tanong sakanya.


Basta talaga si Miguel ang nakakasagutan ko hindi ko mapigilan ang pagtaas ng altapresyon ko.


"You can sit anywhere but here." Saad niya pa at kumuha ng plato. Ako naman ay nanatiling nakatayo habang nakapameywang na nakatingin sakanya.


"At bakit naman? Pagmamay-ari mo ba yan? Sa'yo ba yang upuan, ha?" Pangangatuwiran ko pa.


"Hindi. Pero ba't ko hahayaang maupo sa tabi ng ibang lalaki ang babaeng malapit nang maging akin?" Nakataas ang kilay na saad niya na nagpaestatwa sa'kin sa kinatatayuan ko.


May narinig din akong parang nabulunan at naubo. Pero wala akong pake sakanila. Nasa kay Miguel lang nakatuon ang mga mata ko.


Seryoso, saan niya ba nakukuha ang mga salitang yan?


Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at tahimik na naupo sa bakanteng upuan. Manahimik na lang ako at magpanggap na walang may nangyari kani-kanina lang. Walang may umimik sa aming lima habang kumakain. Walang may naglalakas-loob.


Bakit? Dahil ba sa nangyari? Kainis kasi itong si Miguel eh! Wala talagang preno ang bibig niya! Paano niya nagagawang bumanat ng ganon lang? Akala mo simpleng 'hi' o 'hello' lang ang sinasabi niya sa sobrang petiks niya kung magsalita.


Maya-maya ay may tumikhim na. Pagtingin ko ay si Frey pala.


"Ang sarap ng garlic chicken. 'Di mo naman sinabi na marunong ka palang magtimpla, Keish." Pag-oopen niya ng topic. Mukhang hindi na nakayanan ang katahimikan.


Nakahinga naman ako ng maluwag. Kahit papaano eh naging magaan ang atmosphere.


Holdap (Kinuha Na Nga Sa'kin Ang Lahat, Hoholdapan Mo Pa Ako?!)Onde histórias criam vida. Descubra agora