KABANATA 29

44 5 0
                                    

Dana


Mananatili siguro akong nakamasid sa taong 'yun kundi lang tinawag nila Frey ang atensyon ko.


"Picture daw tayo sa gitna, Dana girl." Aniya.


"Ah uhm, okay..." Sambit ko nang hilahin niya ako. Pumwesto ang grupo namin with Mrs. Rubio and the Director at pinicture-an kami. Pagkatapos ay nagpicture kami with the other group. Then lahat-lahat na kami.


Nabalik sa taong 'yon ang atensyon ko at nanlaki ang mga mata ko nang kumaway siya sa'kin.


Hindi talaga ako naghahallucinate lang or something? Si Armani talaga yan?

Namalayan ko na lang na napangiti ako na tinitingnan siya. He mouthed 'congrats' I think kaya mas lumapad ang ngiti ko.


Ang success namin ay dahil sa inyo, Armani.


After we wrapped everything up, isa-isang umalis ang lahat hanggang sa kaming mga estudyante na lang, si Mrs. Rubio at yung Director.


"Nice job, kids. Never thought na magkakaroon pala ng grand na proposal dito. See you next week?" Ani Director sa'min.


Nakipagkamay kaming lahat sakanya hanggang sa siya naman ang makaalis. Binati ulit kami ni Mrs. Rubio at sabay kaming lumabas nang maayos namin ang loob ng AVR. Nang nasa labas na ay inilibot ko ang paningin ko kung nasaan si Armani. Nawala kasi siya nang lumabas na ang higher-ups.


"Anong ginagawa mo? May hinahanap ka?" Tanong ni Frey. Natigil din silang dalawa dahil sa'kin. Nauna na ang lahat na umalis.


"Nakita ko si Armani kanina sa loob." Sagot ko kaya nakuha ko naman ang atensyon nilang dalawa.


"Sure ka? Hindi ko napansin..."


Tumingin ako sa malayo at nakita ko si Armani na naglalakad papunta sa direksyon namin.


"Wait, 'diba si Armani yan? Omg, so legit?" Ani Frey.


Nakatingin lang ako kay Armani hanggang sa makalapit siya sa'min. Nginitian niya kaming tatlo at ginulo ang buhok namin.


"Congrats! Your presentation was so good. No wonder napili kayo." Aniya.


"Sus! Dahil naman sa inyo kaya kami napili eh! Mabuti na lang pala at may impluwensya ang team namin!" Ani Frey kaya natawa ako at tumango bilang pagsang-ayon.


"Nga pala, ba't nawala ka bigla?" Tanong ko sakanya kaya muling napatingin si Armani sa'kin.


"Someone impatient called me a few times, ranting and complaining." Aniya na for some reason, nagpalakas ng tibok ng puso ko.  


Ewan ko ba. Siguro kasi I'm assuming na si Miguel ang tinutukoy niya? Taena! Ba't siya na naman ang nasa isip mo, Dana Martin?

Holdap (Kinuha Na Nga Sa'kin Ang Lahat, Hoholdapan Mo Pa Ako?!)Where stories live. Discover now