KABANATA 39

41 4 0
                                    

Dana


Naalimpungatan ako nang magring ng malakas ang alarm ng phone ko.



"Teka lang... Wait, time out time out..." Bulong ko sa sarili ko. Pero syempre kahit anong imurmur ko, hindi ps din titigil sa kakangawa ang alarm. Kaya kahit inaantok ay pinilit kong bumangon at patayin ang alarm. Medyo nanlalabo pa ang mga mata ko kaya natagalan bago nakaadjust ang mga mata ko sa ilaw ng screen.



'Ground breaking! Ground breaking!'



Nabuhay ata bigla ang buong katawang-lupa ko sa nabasang reminder kasama ng alarm.



Shet! Oo nga pala! It's the D-day! Ang groundbreaking ng project sa Sumilao!



Nagmamadali akong tumayo at inayos ang beddings ko. Right, ang bilis ng paglipas ng mga araw. December 4 na, araw ng Sabado.



Babyahe kami papuntang Sumilao para makinood sa groundbreaking. Pagkatapos, pupunta kaming Tinago at ang huling destinasyon namin, ang Initao. Tulad ng naplanuhan.



Taena, ba't bigla akong kinabahan?



Nung mga nakalipas nga palang mga araw, 'di mawala sa isip ko yung mga thoughts about Initao at Miguel. Yung mga pawikan. Kumusta na kaya ang mga itlog?



Ang aga-aga pa lang pero napabuntong-hininga na ako. Sana naman talagang ma-enjoy ko ang maagang bakasyon naming 'to. Baka kasi mawala lang ako sa mood mamaya. Kagabi pa ako nakapag-ayos ng mga gamit ko sa backpack na dala ko. Good for five days and dala kong mga damit kahit na siguro dalawang araw lang kaming mawawala. Mabuti nang sigurado no!



Mabilis lang akong naligo dahil 'di naman ako nanlalagkit talaga sa sarili ko. Pagkatapos habang naglalagay ng sun screen ay nagvibrate ang phone ko. Tumatawag si Keisha.



"Oh Keish, ano 'yon?" Bungad ko sakanya.



[Sabi ni Frey puntahan ka daw namin sa inyo. Naliligo kasi siya at the moment kaya ako pinatawag niya.]



Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, "Teka, magkasama ba kayo ngayon?" Tanong ko.



[Hehe, dito ako nakatulog. Lasing kasi ako kagabi tsaka 'di alam ni Owen ang address ko, kaya dinala niya na lang ako dito sa bahay ni Frey.]



Automatic na tumaas ang kilay ko nang magbago ang timpla ng boses niya at nang mamention ang pangalan ni Owen.

Holdap (Kinuha Na Nga Sa'kin Ang Lahat, Hoholdapan Mo Pa Ako?!)Where stories live. Discover now