KABANATA 26

74 4 0
                                    

Dana


"Miguel, paano ba yan? Kilo-kilometro ang layo mo kay Dana. Nililigawan mo yan, 'diba?" Rinig kong tanong ni Frey.


Alam ko naman kung ano ang isasagot ng lalaking yan. Nasabi niya na sa'kin yan eh.


"Madaling lagpasan yang kilo-kilometro na yan, Frey. Numero lang naman ang distansya." Aniya na akala mo ay walking distance lang ang Davao.


'Diba? Distance is just a number nga lang sakanya. Ilang araw pa nga lang kaming magkasama pero kung saan-saan na kami nakakarating eh.


"Ayiee! Sana lahat! Ang haba naman masyado ng buhok ni Dana girl namin, paputol ka na nga! Dali!" Gumalaw-galaw ang kinauupuan ko.


Nilingunan ko sila at sinamaan ng tingin, "Kakagupit ko lang nung break! Ano gusto niyo, magpa boy cut na lang ako, ha? Yun ba ang gusto niyo, ha?"


"Joke lang naman eh! Kahit kailan talaga ang bagal mong makapick up ng joke!" Ani Frey.


"Facts." Ani Miguel kaya nagsalubong ang kilay ko.


Ano? Facts ba kamo? So sinusuportahan niya si Frey? Na slow ako, ganon ba?


"Che! Anong mabagal? 'Di lang kasi kajoke-joke ang mga sinasabi niyo!" Pagdedepensa ko sa sarili ko.


"Talaga ba?" Ani Miguel kaya muli akong napatingin sakanya.


"Talaga!"


"So ano pala yung sa kusina kahapon—" Namilog ang mga mata ko sa pinuputak niya at tumili ako ng pagkalakas-lakas para matigil siya.


"AAAAH! Tumahimik ka nga! Shh!" Sumandal ako sa may pinto at pinagsisipa siya gamit ang isang paa ko.


"Hoy! Ba't mo—hoy baka madisgrasya tayo!" Nagpapanic na sambit ni Frey at tinulungan siya ni Keisha na hawakan at ihinto ang paa ko sa pagsipa kay Miguel.


Namimilog ang mga mata ni Miguel na tumingin sa'kin at sa kalsada, "Mapanakit ka  masyado, alam mo ba yun? Paano pala kung nawalan ako ng kontrol sa manubela?" Aniya kaya kumalma ako at umayos ng upo.


Nakanguso akong humalukipkip habang nakatingin lang sa daan.


Siya naman kasi eh! Nakakatrigger talaga ang hinayupak na yan. Matagal na akong nagtitimpi at na-iistress sakanya.


Gusto niya bang ibulgar ang kabastusan ng dila niya kahapon?! At paano pala kung mapunta ang usapan sa kaganapan nung nalasing ako sa taenang lambanog na yan?!


Yang dalawang kaibigan ko mukhang igat ang mga yan at talande pagdating sa mga lalaki nila, pero napakaconservative nila pagdating sa mga ganyang usapan. Paano na lang pala kung malaman nila na ako pala ang pasimuno ng lahat? Nagsimula lang naman ako asarin ni Miguel ng related sa sex dahil sa kagagahan ko.

Holdap (Kinuha Na Nga Sa'kin Ang Lahat, Hoholdapan Mo Pa Ako?!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon