KABANATA 9

133 13 2
                                    

Dana


Medyo fresh akong nagising kasi first of all, hindi ako nagpuyat talaga. Second of all, maganda ang tulog ko. And last but not the least, mabilis akong nakatulog which is napakalaking himala! Kaya ngiting-ngiti akong naglakad papunta sa classroom. Pagpasok ko ay nakita ko kaagad ang dalawa na magkatabi at nagchichismisan na naman.


Lumingon si Keisha sa direksyon ko at nakangiting kumaway.


"Dana girl! Lika rito!"


At ayun nga dahil good mood ako, nakangiti pa rin akong pumunta at pumuwesto sa tabi nilang dalawa.


"Oh ba't blooming ka ata? Anyare?" Bungad sa'kin ni Frey na mukhang hindi good mood. Anong meron dito sa babaitang 'to?


Tumingin naman ako kay Keisha at mukhang nagets niya ang pagtatanong sa mukha ko.


"Ah, yan? Nag-away kasi sila ng bebe Devon niya. Rather, inaway niya si bebe Devon niya." Napukaw ang atensyon ko sa sinabi niya.


"Weh? Paano? Kailan pa? Uy ichika niyo sa'kin..."


At chinika nga sa'kin. Si Keisha dapat ang nagpapaliwanag. Pero kapag laging nasa climax na si Keisha ay iniinterrupt siya ng bruhang si Frey at ito mismo ang nagdudugtong sa medyo OA na manner.


Tulad na lamang nito.


"Kasi Dana, ang paalam ni Devon ay pupunta siyang mall kasi may bibilhin. Pero—"


"Ang walangyang lalaking 'yon, may pinuntahan pala sa bar. SA BAR! Can you believe that?! Ba't siya magsisinungaling sa'kin?! May tinatago ba siya sa'kin? May kabit ba siya? Am I not enough?!"


Yup, ganyan ang reaksyon niya. Pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin dito. Halos sungalngalin ko na talaga ang isang 'to nang biglang dumating ang prof. Natahimik na kami agad kasi ang strikta ng isang 'to, sa aura niya pa lang.


"Wag kang OA. Tanungin mo muna kung anong ginawa niya. Baka naman may explanation siya hindi mo lang pinakinggan." Mahinang saad ni Keisha sa kay Frey.


Sumang-ayon naman ako. That may be true. Parang hindi naman si Devon 'yung type na magloloko eh.


With that being said, natahimik na kami. Kasi nakakatakot talaga ang professor. Yung mukha niya parang papatay.


Natapos ang buong araw na medyo nastress ako sa mga profs. Kahapon parang mababait naman sila, 'di ko alam anong nakain nila at biglang sumama ang mood.


"Dale!" Napatingin ako kay Keisha nang bigla siyang tumayo at mabilis na naglakad papunta sa pinto.


At oo nga, nandyan nga si Dale. Pero yung totoo, talaga bang ligawan stage pa lang ang dalawang yan? Bakit parang daig pa nila 'yung magkarelasyon na?

Holdap (Kinuha Na Nga Sa'kin Ang Lahat, Hoholdapan Mo Pa Ako?!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon