KABANATA 30

55 5 0
                                    

Dana


"Wala ka bang, kinatatakutan? Or hindi ka ba marunong magdalawang-isip? Napansin ko kasi na ang prangka at direct to the point ka palagi." Sambit ko sakanya.


Ilang segundo pa ang lumipas bago siya sumagot, "It's the way of how I was taught." Sagot niya kaya kumunot ang noo ko.


"Way you were taught? Bakit? Anong—"


"Nagdiagnose ako ng Autism nung pitong taong gulang pa lang ako. Anxiety dalawang buwan na ang nakaraan..." Mahinang sagot niya.


Namilog ang mga mata ko sa gulat. Autism? Anxiety? Itong si Miguel Samson na kasama ko, na mukhang normal naman, ay may mental—I'm sorry to say this but—disorder..?


Nakagat ko ang labi ko dahil sa curiousity, "Bakit–" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang mapansin ang behaviour niya.


Mabilis na tumatapik ang mga daliri niya sa manubela. Pagkatapos ay sandali niyang kakagatin ang kuko ng hinlalaki niya, then babalik naman sa manubela at tatapik na naman.


Dahil guro ang mga magiging propesyon namin, we were taught on how to distinguish behaviours of people, lalo na't maghahandle kami ng mga estudyante sa propesyon. Kaya aware ako sa mga mental disorders na minention ni Miguel.


Right now, he's actually showing signs. Lumalakas ang tibok ng puso ko, kasi this is the first time na nakawitness ako in person ng taong ganito. Of all people, si Miguel pa.


Alam kong I joke about and just mention Miguel being a bipolar dahil sa ugali niyang hindi ko maintindihan minsan. Pero hindi ko naman naisip na maaaring may mental issue nga talaga siya. I'm sorry, is it okay to call it that?


Mariin kong pinagdikit ang mga labi ko at tumingin kay Miguel. Mukhang kumalma naman siya. I think, alam na niya kung paano kontrolin ang sarili niya.


Pakiramdam ko ang tanga ko. Anong kwenta ng mga natutunan ko kung hindi ko man lang mapansin na ang nakakasama ko madalas na akala ko ay okay lang, yun pala...


Maya-maya ay huminto na ang kotse. Doon ko lang namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay.


"Wow, alam na alam mo talaga ang exact address ng bahay." Sambit ko. Ewan ko ba. Wala na akong may maisip na sabihin. Feel ko ang awkward ko na.


"Don't look and treat me differently just because of what you found out about me. Ako pa din 'to, Si Miguel Samson. No disorder or illness will stop me from courting you. Keep that in mind, Dana. Sige na, it's getting late."


Nagdadalawang-isip pa ako kung bababa na ako o kung ano pa ang sasabihin ko. Pero taena, please lang Dana Martin. Do him a favor. Kalimutan mo na lang ang nalaman mo. Treat him the way you always treat him.


"Uhm, saan ka magse-stay? Hotel? Or baka may bahay kayo dito?" Tanong ko.


Holdap (Kinuha Na Nga Sa'kin Ang Lahat, Hoholdapan Mo Pa Ako?!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon