KABANATA 2

219 24 4
                                    

Dana


Lumipas ang oras at mag gagabi na nang dumaan sa'min si Jojo, yung bata. Nanalo daw siya ng dalawang daan kaya ibinigay niya sa'kin ang kalahati.

Maliit lang siya pero kahit papaano natuwa pa din ako. Kasi pinaghirapan ko ang isang daan. I mean, technically, si Jojo ang naghirap kasi siya ang naglaro pero! 'Di naman siya makakapaglaro kung hindi ako ang gumawa ng responsibilidad niya sa bahay nila, 'diba? 

Nang mag alas syete na ay tulad kahapon, umuwi na si Miguel. Napansin kong hindi niya ugali yung magpagabi masyado. Di tulad namin sa siyudad.

Well, iba naman ang pamamaraan nila dito compared sa'min.

"Dana, matutulog ka na?" Tanong sa'kin ni Maris, isa sa mga naninirahan dito.

Nalaman kong mga boarders pala sila. At itong malaking bahay ni Manang Rosa ay boarding house. Naisipan nilang dito tumira dahil mas malapit llang sa unibersidad nila. Kesa sa mga bahay nilang malalayo pa sa sentro. Sa ilang taon nilang magkasama ay para na silang magkapatid.

Tapos parang ako yung bunso. Kasi ako yung bagong salta. Nakakalungkot isipin, slight ha, na uuwi na din ako sa'min.

Well, that's life.

"Hindi pa. Masyado pa namang maaga." Sagot ko. Napataas ang dalawa niyang kilay.

"Maaga? Dito sa'min madalas alas otso o alas nuebe tulog na kami. Masyado ng gabi yun para sa'min." At ako naman ang napataas ang kilay.

"Talaga?" Gulat kong tanong. Tumango naman siya.


"Oo. Lalo na si Nina. Malayo kasi ang school niya kaya maaga siyang bumabyahe kaya pag-uwi niya eh pagod talaga siya. Kami, siguro nakasanayan na rin kasi maagang nagpapatulog si Nanay Rosa. Ayaw din kasi naming maistorbo siya pag tulog."


Umupo si Gwen sa may higaan ko, "Bakit, anong oras ba kayo madalas natutulog?" Tanong niya.

Napaisip naman ako, "Well, depende. Minsan alas alas onse, alas dose. Minsan naman kung trip magpuyat, inaabot ng ala una o alas dos." At sila na naman ang nagulat sa sagot ko.

Ano 'to, palupitan ng reaction?

"Kaya niyo yang ganyan? Grabe, alas otso pa nga lang ang bigat na ng mga mata ko..."

Lumipas ang oras na magkasama kami dito sa kwarto. Siyam kaming mga babae, puro kwentuhan. Wow, ang saya pala ng ganito, no?

Sa'min kasi pag nagkakaroon kami ng sleepover or pajama party, mag-uusap nga, pero most of the time na-ooccupy na ng mga gadgets ang oras namin. I mean, syempre, nagkakaroon talaga kami ng oras para magchika minute. Pero mas iba kasi rito. May mga phone naman sila pero 'di nila madalas gamitin. At mas interesado sila makinig at makipagkuwentuhan.

Parang kaninang umaga lang nung hindi ko pa sila kilala, ngayon close na kami.

"Sige Dan, matutulog na kami. Good night!" Nang mag pasado alas nuebe ay nagpaalam na silang matutulog na.

Seryoso talaga na maaga silang natutulog. To be honest? Parang nahawaan na din ako.

Alas nuebe pa lang, parang bumibigat na ang tulikap ng mga mata ko.

Teka wag muna, nagchichika pa kami ng bespren kong sina Frey at Keisha.


Dahil sa chikahan namin nila Gwen, namiss ko tuloy mga bestfriend ko. Need kong mag-update sakanila.

Holdap (Kinuha Na Nga Sa'kin Ang Lahat, Hoholdapan Mo Pa Ako?!)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum