KABANATA 35

57 4 0
                                    

Dana


Nakatulala lang ako sakanya, habang siya naman ay nakangiting na para bang hindi ganon ka big deal ang ginawa niya. Pero ako dito, hindi ko alam kung naghallucinate ba ako o hindi. Kung nangyari ba talaga 'yon o hindi.



Alam mo yung pakiramdam na para kang nananaginip? Ganyan na ganyan ako ngayon.



Lumunok ako at kinapa ang napakalambot kong lips kasi lagi naman akong nagsscrub ng lips.



"Ba't natulala ka na diyan? Gusto mo bang halikan kita uli—"



"Hinde! I-I mean, no. Enough na 'yon..." Dali-dali kong sagot sakanya. Muli na namang tumibok ng mabilis ang puso ko.



Nang mabanggit niya ang salitang 'halikan', taena dun lang nagsink in sa'kin. Shet, totoo nga! Walang halong kemikal. Legit pa sa legit.



Hinalikan ako ni Miguel! Hinalikan ako ni Miguel Samson!



Tumungo ako at kinagat ang ibabang labi ko. Sobrang thankful ko talaga na may initiative ako laging mag scrub ng lips. Rainforest ang natikman ni Miguel, hindi Sahara dessert.



Parang nakuryente ako ng ilang boltahe nang biglang hawakan ni Miguel ang kamay ko.


"Tara, susuportahan pa natin ang kaibigan mo." Aniya at naglakad patungo sa kumpulan ng mga tao.


Hindi maalis kay Miguel ang tingin ko habang naglalakad kami. Kahit na ilang beses na akong nabangga, walang pake si Dana Martin. Naglakbay ang mga mata ko sa kamay namin na magkahawak.


Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang gustong lumabas na feels ko. Shet, nag-uumapaw ang feelings ko dahil sa hinayupak na lalaking 'to! Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nahalikan. Syempre, hindi ako marunong kumembot. Kaya nga nagkajowa ako eh nasa malayo pa, 'diba?



At sa tanang buhay ko din, never akong nangarap at nag-expect na ang makakakuha ng unang halik ko eh ang lalaki na katulad pa ni Miguel. Yung tipong ano, hindi ko mareach? Kumbaga, hindi ko kalevel.



Mahal na mahal ata talaga ako ni Lord. I'm so blessed taena...



Hindi ko namalayang nakaabot na pala kami sa harap. Naka sports attire na ang mga candidates na nasa stage. Temporary na naalis kay Miguel ang atensyon ko nang saktong lumabas si Frey.


"Frey! Go!" Sigaw ko at papalakpak na sana ako nang pigilan ako ni Miguel. Pinisil niya ang kamay kong hawak niya. Tumingin ako sakanya, pero hindi siya nakatingin sa'kin. Nanonood lang siya sa pageant.


Ayaw niya bang bumitaw ako? Omg. Habang iniisip 'yon eh hindi ko mapigilang mag-init bigla. As in, damang-dama ko ang pag-iinit ng mukha ko.

Holdap (Kinuha Na Nga Sa'kin Ang Lahat, Hoholdapan Mo Pa Ako?!)Where stories live. Discover now