KABANATA 13

130 13 0
                                    

Dana


"Sir? Sir Miguel?" Napapitlag ako nang makarinig ng katok sa pinto. Mabilis akong lumayo kay Miguel. Tinalikuran naman niya ako at binuksan ang pinto. Napalunok ako. 


Nanunuyo ata ang lalamunan ko tsaka parang gusto nang kumawala ng puso ko sa dibdib ko.


 Dana kumalma ka. Kumalma ka, Dana Martin. 


 "Sir? May bisita po kayo kanina pa—" 


 "Alam ko. Kasama ko siya ngayon." Napatingin ako sa pinto at nakita kong binigyan ng espasyo ni Miguel ang kasambahay para makita ako. Namilog ang mata niya na para bang gulat na makita ako dito sa kwarto ng amo niya kaya napatungo naman ako sa hiya. 


Hindi ko alam pero nag-iinit ang pisngi ko. Feel ko nahuli kaming may ginagawa na masama even tho wala naman kaming ginagawa. 


Wala nga ba, Dana? Bumalik sa isip ko ang nangyari kani-kanina lang... 


 "Dana..." Mahinang sambit niya kaya napatingin ako sakanya. 


Doon ko lang namalayan kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa't-isa. Napalunok ako habang nakatingin sakanya. Hindi din maalis ang tingin niya sa'kin. Ni para bang walang may plano na unang bumitiw ng tingin sa'ming dalawa. 


 "Miguel..." 


 Umiling ako at mahinang itinampal ang sarili ko. 


 Maghunos-dili ka, Dana Martin! Anong iniisip mo? Ano sa tingin mo ang mangyayari, ha? Magtigil ka nga! Tahimik kong sinuway ang sarili ko. 


Masama na 'to. Dios ko. Hindi, hindi. Dana, parang masama na 'to... 


"Hoy." Gulat akong napabaling sa lalaking kanina pa bumabagabag sa isip ko. Naglakad siya palapit sa'kin at ako naman ay paunti-unti ring lumalayo sakanya. 


Dana, masama na talaga 'to. Wag kang lalapit sakanya, please lang. 


Kada hakbang niya palapit ay siya namang paghakbang ko palayo sakanya. Hindi ako puwedeng mapalapit sakanya. Napansin niya na siguro kaya nagsalubong ang kilay niya. 


"Anong ginagawa mo?" Tanong niya at tumigil sa kinatatayuan niya. 


Pinagdikit ko nang mariin ang labi ko. Hindi ako mapakali habang iniikot ang paningin ko. Anywhere but him. Humakbang siya ng malaki at napasinghap na lang ako nang nasa harap ko na kaagad siya. 


"Ano sabi ang ginagawa mo?" Mahinang tanong niya. Halos manghina ako nang marinig ang boses niya. Ang malalim at namamaos niyang boses. 


Sa sobrang gulat at kaba ay hindi na ako nakapag-isip at mabilis siyang itinulak palayo. "'Wag! I mean, diyan ka lang. Alam mo naman 'yung social distancing, 'diba? Diyan ka lang..." Dana, masama na talaga 'to.

Holdap (Kinuha Na Nga Sa'kin Ang Lahat, Hoholdapan Mo Pa Ako?!)Where stories live. Discover now