KABANATA 19

87 14 2
                                    

Dana

"Nga pala, Armani. Madalas ka ba dito?" Tanong ni Frey.


"Ako? Hindi naman. Minsan lang pag gusto kong magpalamig ng ulo or if pagod ako sa trabaho."


"Ah, may maintenance ka ba dito? Yung naglilinis if wala ka, ganon."


"Wala. Bago ako umalis, I make sure na malinis ang lahat. Tsaka hindi naman ako makalat."


Nakikinig lang ako sa usapan nila habang kumakain. Ina-alternate ko na ang pag kain between ng potato bites at pinwheels. May point naman si Frey. Masarap at balanced ang lasa ng potato bites. Ang pinwheels kasi medyo maalat dahil sa cheese at ham. Nagiging neutral lang ng konti ang lasa if nilalagyan ko ng ketchup. Pero masarap naman siya.


"Hmp, gusto kong magstay dito. Kahit isang gabi lang." Napatingin ako kay Frey na nakasandal sa couch. Halata sa mukha niya na gustong-gusto niya talaga manatili dito.


"Ako din. Parang ang sarap maglibot dito. Atsaka may dagat, 'di ba? Parang nakita ko ata kanina sa malayo." Saad pa ni Keisha.


Oo nga no? Nakita ko kanina na ang lapad ng lugar. Parang ang sarap ding maglibot dito.


"Gusto niyo? Pero wala kayong dalang damit, 'di ba?"


"Naku okay lang! Pwede naman kaming umuwi ng maaga pa bukas. Hindi naman kami masyadong pinagpawisan eh."


Tumingin sa'kin ng sabay sina Armani at Miguel.


"Ikaw? Gusto mo ba?" Sabay ding tanong nila.


Ha?


Napakurap ako ng ilang beses dahil sakanila. Tinatanong ba nila kung gusto ko ding magstay dito?


Tiningnan ko sila Frey at Keisha at sinesenyasan nila ako na um-oo. Wow, gustong-gusto talaga na manatili dito? Parang wala lang kaming project na inaatupag, ah? Pero kung iisipin naman, buo na ang project namin unexpectedly. Finalize na lang namin para makapagsimula nang magtype si Keisha sa laptop for the presentation.


Then, pwede na kaming umuwi sa Davao para makapagprepare at mabind na namin ang lahat.


Since malapit na kaming umiwi sa Davao. Siguro naman eh walang masama kung magchill muna kami kahit ng isang araw, 'di ba?


Tumango ako sa dalawa at nagthumbs up. Pumalakpak naman at tumili sila Frey sa tuwa.


"Yey! Ikot tayo mamaya!"


"Puntahan natin yung dagat. May pool din akong nakita kanina, ah. Sayang, parang ang sarap maligo."


Kinain ko na ang huling bite ng pinwheel at uminom ng juice. Grabe, busog na ako. Tumingin ako sa labas at nakitang hindi na mataas ang araw.

Holdap (Kinuha Na Nga Sa'kin Ang Lahat, Hoholdapan Mo Pa Ako?!)Where stories live. Discover now