KABANATA 37

42 5 0
                                    

Dana


Matapos umalis ni Keisha at ni Owen, wala na kaming balita sakanila. Hindi niya kami kinontak ni kahit isang beses. Hinayaan na lang namin kasi alam namin na ganito talaga siya pag may pinagdadaanan.


Madalas gusto niyang mapag-isa. Ayaw niyang lumapit sa'min. Pinapabayaan na lang namin kasi pag hindi niya na kaya, kusa naman siyang lumalapit. Ayaw namin na piliting iinvade siya sa bagay na ayaw niya namang ishare sa'min.


The next day, parang wala sa sarili si Keisha nang pumasok sa room. Halatang magdamag umiyak dahil suot niya ang non-graded na salamin niya. Akala niya siguro hindi siya mahahalata pero ako na nagsasabi, walang may inambag ang salamin sa lalim ng mga mata niya.


Piangdikit ko ng mariin ang mga labi ko nang tahimik na tumabi sa'min ni Frey si Keisha. Nagtinginan kami ni Frey at sumenyas sa isa't-isa sa kung ano ang gagawin. Hindi naman kasi kami sanay sa ganitong sitwasyon. Madalas naman kasi good vibes lang kami tsaka kung magkaproblema naman, hindi naman yung ganito kalala at ka-intense.



Kinagat ni Frey ang labi niya at may kinuha sa gilid niya. Take-out pala ito ng KFC na binili ata ni Frey para kay Keisha. Tumikhim siya at inilapag sa desk sa tapat ni Keish ito.


"Keish oh. Parang hindi ka ata kumain. Halatang na-energy gap ka ngayon..." Ani Frey.


Umubo ako para pigilan ang tawa ko. Alam ko namang gumaganyan si Frey para pagaanin ang loob ni Keisha. Pero parang sa'kin ata tumalab hindi sa isa.


"Thanks..." Ani Keish at tipid na ngumiti. Pagkatapos ay bumalik na naman sa blangko ang ekspresyon niya.



Dahil medyo maaga pa ay hindi pa kami nag-uumpisa sa discussion. Nanatili kaming tahimik na tatlo. Kaming dalawa ni Frey eh nakamasid lang sa kaibigan namin.


Alam kong hindi lang ako ang kating-kati na malaman ang kung ano ang nangyari kagabi. Si Frey halatang nagpipigil na lang sa sarili niya na magtanong eh.


Ayaw kasi namin na tanungin si Keisha. Kasi kung ready at willing naman siyang sabihin, gagawin niya naman 'diba? So ayon, kahit mahirap para sa'min, hahayaan namin siyang itake ang time niya.


"Wala na kami. Halatang gusto niyong malaman eh." Ani Keisha na ikinagulat namin ni Frey.


Sinabi kong take your time, Keish. Pero hindi ko naman inasahan na ngayon na agad-agad. Ang bilis naman ata.


"A-ahhh, talaga ba? That's...whoo..." Ani Frey na napasipol na lang. Hindi ata alam kung ano ang sasabihin. Taena ang awkward namin ngayon.


Binuksan ni Keisha ang take-out na binili ni Frey at kahit na kakabreakfast ko lang, napalunok ako ng laway ko nang masinghap ang nakakatakam na aroma ng manok.


"Pumunta kami sa ospital kagabi. Sinamahan ako ni Owen..." Aniya at kinuha ang drumstick. Nagtinginan kami ni Frey. Mukhang mag-oopen up ata si Keisha ng maaga kesa sa inaasahan namin.

Holdap (Kinuha Na Nga Sa'kin Ang Lahat, Hoholdapan Mo Pa Ako?!)Where stories live. Discover now