KABANATA 11

193 16 1
                                    

Dana


"Dana girl! Wake up na! Kanina pa tayo tinatawag nila Manang Rosa!" Naalimpungatan ako sa familiar na boses.


Lord, gising na hop ba ang dalawang bangungot ko?


Pagmulat ko, bumungad sa'kin ang mukha ng dalawa. Napapikit ulit ako.


Lord, gising na nga sila. Huhuhu, gabayan niyo po ako at bigyan ng sapat na pag-uunawa. 'Yun lang po.


"Wuy wag kang matulog ulit!"


"Oo alam ko! Gising na ako, okay? Naman kasi eh..." Halos magtantrums ako.


Matapos ko kanina magkape ay imbes na magising nang tuluyan eh nakaramdam ako ng antok. Kaya natulog ako ulit. Grabe ganito pala sa pakiramdam pag putol-putol ang tulog mo.


Inayos ko na ang mukha ko at nag-inat. Kahit dito sa kwarto eh naaamoy ko na ang masarap na luto ni Manang. Kaya bumangon na ako at naglakad papunta sa pinto. Bubuksan ko na sana ang pintuan nang bigla akong hawakan ni Frey sa braso ko.


Binigyan niya ako ng malisyosang tingin at pinagtaas-baba niya ang kilay niya.


"Akala mo nakatakas ka na? Hah! Akala mo lang 'yun, kwentuhan mo kami mamaya." Aniya.


Ito na nga ba ang sinasabi ko. Para tigilan ako ng dalawa ay tumango na lang ako. Kaya pumalakpak na naman sila at hinila ako palabas.


"Good morning sa inyo!" Bati nina Frey sa mga nakakasalubong namin. Binati naman sila pabalik.


Great, nandito na sa bahay ang dalawang pinakamaingay. Magiging ano kaya kaingay ang bahay na 'to sa susunod na mga araw?


"Good morning Manang Rosa!" Bati nila at nagmano pa sakanya. Mukhang nagulat si Manang sa sobrang pagkahyper ng dalawa.


"Ah eh, magandang umaga rin sa inyo. Mukhang maganda ang gising niyo." Nako kung alam mo lang, Manang. Ganito sila araw-araw. Walang palya.


"Oo nga po eh. Iba talaga ang feels dito sa probinsya. Wow! Caldereta po ba yan?" Ani Frey.


"Afritada yan, hija." Sagot ni Manang.


Nakagat ko ang labi ko sa pagpipigil ng tawa. Yan kasi, deserve mo yan Frey. Namula naman siya sa kahihiyan, pero bilang si Frey, hindi pa rin yan titigil.


"Ah talaga po ba? Wala naman akong nakikitang kaibahan sa dalawa. Pareho namang masarap." Saad niya.


Dahil masyado kaming marami at kulang ang upuan dito sa lamesa ay nagsuggest na lang ako na sa sala kaming tatlo na kumain. Hindi pa pumayag sina Irene dahil sila na lang daw sa sala, pero sa huli ay napilit ko rin.


"Tayo'y magdasal at magpasalamat sa mga biyaya na binigay sa'tin ng ating Panginoon..."At nagdasal kami. Mabuti na lang at nasabihan ko na sina Frey at Keisha before hand. Hehehe hindi naman kasi sa hindi kami relihyoso, talagang hindi lang namin nakagawian na magdasal bago kumain.

Holdap (Kinuha Na Nga Sa'kin Ang Lahat, Hoholdapan Mo Pa Ako?!)Where stories live. Discover now