KABANATA 12

91 14 1
                                    

Dana


"M-miguel, tama na yan. Baka masyadong nabigla si Dana. Pakalmahin mo muna." Rinig kong saad ni Frey.


Hindi pa rin matanggal ang tingin ko sakanya. Ngayon ko lang siya nakita na ganyan kagalit.


Miguel... Parang, ibang Miguel ang nasa harapan ko ngayon.


Oo, lagi siyang seryoso. Pero, iba talaga ang Miguel na nakikita ko ngayon. Galit na Miguel. Yan ang nasa harapan ko.


Nawala ang intensidad sa mga mata niya at tinitigan niya ako nang walang bahid ng kung anong emosyon. Napalunok na naman ako.


Napasinghap ako nang bigla niya akong kargahin.


"Ibalik ang mga kabayo sa kuwadra." Matigas na saad ni Miguel. Maagap namang sumunod si Bon-bon sakanya.


Nagsimulang humakbang si Miguel habang buhat-buhat niya ako. Nakasunod lang sa likod namin sina Frey at Keisha.


Habang binubuhat niya ako ay hindi ko maiwasang tumingin sakanya. Ni walang bahid sa mukha niya na nahihirapan siyang buhatin ako.


Galit, yan lang ang nakikita ko ngayon. Kahit na walang emosyon ang mukha niya, ramdam ko ang galit sa aura at pananahimik niya.


At kaninong kasalanan yun, Dana? Sa'yo. Kasi pinairal mo ang inis mo at ang tigas ng ulo mo. Pati ang pride mo ayaw magpatalo.


Anong nangyari ngayon? Malapit na akong mapahamak.


Kung hindi lang dahil kay Miguel. Alam kong siya ang nagligtas sa'kin kanina. Halatang-halata sa itsura niya na sakanya nabaling ang impact ng pagkakahulog ko kanina. Kaya ni isang galos eh wala ako. Wala nga akong maramdaman ni kahit kaunting sakit man lang sa katawan ko.


Pero itong si Miguel. Kahit ganyan ang itsura niya, nagagawa niya pa ring buhatin ako ngayon. Ibinaba niya ako sa inupuan ko kanina sa sinakyan naming electric cart. Sumakay din sa likod sina Frey.


Walang imik na pinaandar niya ito at nagmaneho pabalik sa mansyon.


Nakakailang at nakakatakot ang pagiging tahimik niya ngayon. Ang mata niya ay nakatuon lang sa dinadaanan namin.


Nang marating namin ang mansyon ay bumaba siya. Bababa na din sana ako nang magsalita siya.


"Don't move." Aniya.


Dahil sa takot ay hindi na ako gumalaw. Parang ayaw ko na ngang huminga sa sobrang kaba.


Parang nanigas ang katawan ko nang kargahin niya ulit ako papunta sa right wing ng mansyon, at ibinaba sa mahabang sofa.


Dali-daling may lumapit na kasambahay sa'min. May sinabi sakanya si Miguel at tumango naman ito at umalis.


Holdap (Kinuha Na Nga Sa'kin Ang Lahat, Hoholdapan Mo Pa Ako?!)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ