KABANATA 31

56 6 0
                                    

Dana


"Hoy!" Gulat akong napalingon sa boses. Nakita ko si Frey na nagmamadaling naglakad papunta sa'kin. Kasunod niya ang boyfriend niya.


Namilog ang mga mata ko. Hala, nakita ba nila?


"Gaga ka! Sabi na eh, may pasobra. Kinulang ka pa sa dalawa, kaya dumagdag pa ng isa. Wow, Dana girl. Iba ka talagang bruha ka..." Bungad niya sa'kin paglapit niya, wala man lang good morning good morning.


"Gaga ka din. Assuming ka girl? Natuwa lang siguro kasi ginawan ko ng lunch kaya ginawa niya 'yon." Mabilis na depensa ko naman.


Duh, malay natin 'diba? Kasi nga 'di nakakakain ng maayos kaya ayun, natuwa kasi ginawan. Pero alam ko namang may pera siya para bumili at gumasto ng malaki para sa mas masarap na mga pagkain.


Kaya ewan ko talaga kung ba't ginawa niya 'yon. Unless totoo talaga ang kutob ng nagmamaganda kong inner self.


"May 'siguro' kasi hindi sigurado? Sus, sinasabi ko sa'yo eh. May gusto talaga si Allistair sa'yo. 'Diba, asawa ko?" Ani Frey, gusto pang panigan siya ni Devon.


"May point siya, Dan. He never kissed a girl, let alone hang out, after Flexa. It's been almost a year?" Sagot ni Devon na kumuha sa atensyon naming dalawa ni Frey.


"Anong ginagawan niyo dito? May pa meeting assembly kayo ng hindi namin nalalaman?" Ani Keisha na kakarating lang din kasama malamang ang hindi ko alam kung jowa o M.U. o manliligaw niyang si Dale.


"Parang may narinig akong familiar na pangalan. Was it Flexa's?" Ani Dale kaya mas lalo akong naintriga.


"Sinong Flexa?" Naunahan akong magtanong ni Frey.


"Flexa. Flexa Laxamana ng ADDU. Ex ni Allistair. If I'm not mistaken, they've been together for two years?" Ani Devon.


"Correction, dalawang buwan na lang actually it's gonna be three years na sana. I remember kami ang nanghinayang sa relasyon nila eh." Sagot pa ni Dale.


May ex pala si AJ? Akala ko katulad ng kuya niya, no girlfriend since birth siya. Pero kung aalahanin ang mga gestures niya, mukhang may experience na nga talaga siya when it comes sa mga babae.


"Anong nangyari? Ba't sila naghiwalay?" Naiintriga na tanong ni Frey. Nakikinig lang ako, ganon din si Keisha.


Nagkamot si Devon ng batok niya, "I'm not really in the place to tell anyone. Mas mabuti pang si Allistair na pang ang tanungin niyo." Inakbayan ni Devon ang kaibigan ko.


"Okay. Sige na, malapit na first sub namin. See you later, baby ko. Tara na mga bruha."


Habang naglalakad ay napaisip ako. Kung tanungin ko kaya si AJ? May karapatan ba ako na tanungin siya? Sasabihin niya kaya sa'kin if ever?


Holdap (Kinuha Na Nga Sa'kin Ang Lahat, Hoholdapan Mo Pa Ako?!)Onde histórias criam vida. Descubra agora