KABANATA 32

40 5 0
                                    

Dana


Namimilog ang mga mata akong tumingin sakanya. Kinusot ko pa ng ilang beses at pumikit-muklat para lang masiguro kung totoo ba ang nakikita ko o hindi.


"Tatayo ka lang diyan? You're gonna be late, sub-Commander Red." Aniya na nagpamula sa'kin.


P-paano niya nalaman ang tawag sa'kin ng mga teammates ko?


Parang napako na ata ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong magsalita pero masyadong maraming mga bagay at tanong ang tumatakbo sa isip ko kaya hindi ko alam kung anong uunahin.


Nagbuntong-hininga siya at lumabas ng D-max. Napalunok ako nang makitang naglakad siya papunta sa'kin.


Dug dug dug dug...


"Papasok ka o gusto mong ako ang pumasok sa'yo?" Aniya. Gulat at namimilog ang mga mata akong tumingin sakanya.


"Anong... anong sabi mo?!" Gulat kong sambit habang paulit-ulit na naririnig sa isip ko ang huling sinabi niya.


Tumawa siya ng mahina, "I'm kidding." Aniya at tumingin sa'kin. Parang malulusaw ata ako habang tumitingin sakanya pabalik.


Ang mga magandang pares ng mga mata niya. Ang tagal kong hindi natitigan ang mga ito.


Napasinghap ako nang hapitin niya ang beywang ko at hilahin papunta sakanya. Lumakas na naman ang tibok ng puso ko nang tumama ang mukha ko sa dibdib.


Grabe, walang pinagbago. Fresh pa din ang amoy. Amoy Downy Sunrise Fresh pa din.


"Can you hear it?" Mahinang sambit niya. Taena, manlalambot ata ang tuhod ko nito sa boses niya.


Naramdaman ko ang pagpitik ng dibdib niya. Ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso niya. Parang katulad lang sa'kin.


"My heart couldn't contain all the excitement I'm feeling right now. Lagi kang hinahanap nito. It's only been days but I've never felt so worn out..." Bulong niya at mas niyakap ako ng mahigpit.


"I missed you, Dana..." Aniya. Napapikit na lang ako at dinama ang init ng yakap niya at ang amoy ng damit niya.


Taena ka Miguel, namiss din kita.


"DANA SOROVILLA MARTIN! ANONG GINAGAWA MO?!"


Sa gulat at panic, natulak ko ng malakas si Miguel palayo sa'kin. Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses at napalunok ako nang makita ang nakakatakot na mukha ng mama ko.


"M-ma!" Pumiyok kong sambit. Tiningnan ko si Miguel at tumingin ulit kila Mama. Pinag-ekis ko ang dalawa kong braso at umiling ng ilang beses.

Holdap (Kinuha Na Nga Sa'kin Ang Lahat, Hoholdapan Mo Pa Ako?!)Where stories live. Discover now