KABANATA 34

57 6 0
                                    

Dana


"Tumigil ka na nga." Nakanguso kong sambit at pinilit na magfocus sa laro nila AJ.



"I played soccer for a while. Natigil lang this year dahil kailangan kong maglaan ng oras ko sa hacienda." Napatingin ako sakanya nang magsalita siya.



Natahimik ako nang may maisip. Kung tumigil siya this year sa paglalaro dahil sa hacienda nila, 'di ko mapigilang mag-assume na baka totoo nga ang sinabi kanina ng journalist na 'yon.


Kung nangyari ang insidente na sinabi nito kanina three months ago, then it makes sense. Kasi kung may kuya siya, natural na ito ang maghahandle sa mga business-related matters sa hacienda nila.



At kung totoong namatay nga ang kuya niya, it makes sense din na kung bakit kahit na mas bata siya sa'kin at literally, college student pa lang siya eh siya na ang nagmamanage ng hacienda nila. Kasi nga, wala na ang kuya niya. That's why napasa sakanya ang lahat ng obligasyon at responsibilidad nito.


Pakiramdam ko may dumagdag na mga puzzle pieces sa isang malaking puzzle tungkol kay Miguel na nasa isip ko. Habang tumatagal, mas lalo itong nabubuo. Mas marami akong nalalaman tungkol sakanya.


Habang tinitingnan si Miguel, patagal ng patagal mas lalo kong nare-realize na mas marami pa palang tinatago si Miguel. Mga bagay na hindi ko alam tungkol sakanya.


Mga bagay na gusto kong malaman. Pero hindi ko alam kung handa ba si Miguel na sabihin ang mga bagay na 'yon sa'kin. Siya yung taong hindi ko alan kung paano basahin.



Sabihin nating honest siya at open sa nararamdaman niya para sa'kin. Pero ang tanong eh kung magiging honest at open din ba siya tungkol sa buhay niya sa'kin.


Yun ang gusto kong malaman. Pero I don't think it will happen anytime soon. Ramdam kong ayaw niya pang sabihin sa'kin. Parang ayaw niyang ilabas mula sa safili niya. Mahilig siyang magkimkim.



Hays Miguel Samson. Anong gagawin ko sa'yo?


Oo gusto kita, pero gusto ko din na tulad ko na open tungkol sa sarili ko, open ka din sa'kin tungkol sa sarili mo. Ang pangit naman na halos kilalado mo na ako pati ang way ng pag-iisip ko, pero ako hindi ganon sa'yo. I don't know you that well.



Siguro isa din 'yon sa mga dahilan kung bakit kahit na gusto din kita, 'di ko magawang itapat 'yon sa'yo. Siguro hindi kita masagot-sagot eh dahil din sa bagay na 'yon.


"Kyah! Dana girl panalo sila Allistair!" Naudlot ang malalim kong pag-iisip nang yugyugin ni Keisha ang balikat ko.



"Aray teka sumasakit ulo ko!" Angil ko sakanya. Taena parang maaalog ang utak ko!



"Ay eh sorry naman! Grabe, nanalo kasi sila eh! I mean, halata naman na sila ang mananalo but still, woah! Congrats!" Malakas na sambit ni Keisha.

Holdap (Kinuha Na Nga Sa'kin Ang Lahat, Hoholdapan Mo Pa Ako?!)Where stories live. Discover now