05: Paint

699 88 10
                                    

CHAPTER 5

Paint


PRINCE POV



BWISIT NA BABAENG yun. Sinabihan pa kaming pangit, akala niya maganda siya!? eh mas pangit pa nga siya sa yaya namin.

"Hey anong problema?" mahinahong tanong ni Marky sakin.

Umiling ako.

Biglang sumagi sa isipan ko ang anunsyo ni Mrs. Scott sa akin. Ngayong araw pala ang report namin ni nerd. Nakakainis.

"Prince may dala ka ba para sa Science na sub natin mamaya?" mahinahong tanong ni Liam sakin.

Umiling ako. "I'm the leader kaya wala akong dadalhin kundi sarili ko" simple kong sagot.

Napailing na lang ito at napatawa.

"Ikaw Liam, bakit may pintura ka diyan?" tanong ni Jhon sa kanya sabay tawa.

Tumawa na lang din ako. "Wala bang pera yung leader ninyo? Bakit di na lang siya ang bumil---"

"Tol, ayaw kong pagsamantalahan ang kabaitan ng leader namin. Alam mo ba, siya na bahala sa explanation, drawing at questions?" hindi makapaniwalang sabi niya.

"Wow naman!" manghang sabi naman ni Kayzer.

"Walang nagtanong. Sigurado naman na malaki parin ang makukuha naming score." giit ko sabay ngisi.

"Haysst kasi, lagi kang panalo sa lahat" giit niya na ikinangisi ko lalo.

"Ako pa."

"Ano kayang nangyari kay Ms. Kim? pinagalitan kaya siya ng pamilya niya dahil sa---"

"Marky, kung nag-alala ka sa kanya..edi wow! Basta, wag mong babanggitin ang apelyido o pangalan niya! Call her nerd or ugly nerd. HAHAHA" tawang sabi ko.

"Oo nga naman! HAHAHA" tawa nilang sabi.

"Kayo talaga" tanging pag-iling lang ang ginawa ni Marky.

"Ohh tingin-tingin sa daan baka may masagasaan ka, Prince" sabi ni Jhon nang binilisan ko ang pag-andar.

"Putek naman ohh ..Pede ba tumahimik naman kayo, kanina pa kayo sigaw ng sigaw!" iritadong sabi ko sa kanila bago sila nilingon.

Kanina pa kasi sila sigaw ng sigaw at kanta ng kanta sa likod. Sa totoo lang, si Marky lang ang tahimik.

"Okay, fine. Tatahimik na kami" ngiting giit nila.

"Kundi parin kayo tatahimik, ibabangga ko ang sasakyan na 'to sa poste" sabi ko.

"Wagg! ano ka ba naman, sasakyan mo 'to at isa pa hindi pa kami handang mamatay. Marami pa akong babae na dapat---"

"Ang dal-dal mo Liam. Palibhasa kasi, binato ka ng ex mo kahapon pftt" pagputol ni Lance sabay tawa.

Binaling ko na lang ang aking atensyon sa pagmamaneho.

"Prince, tigil mo muna ang sasakyan may babaeng paatras oh" utos sakin ni Marky.

Napatingin ako sa may unahan.

"Bahala siya." sabi ko habang nagpatuloy parin sa pagmamaneho.

Nung namukhaan ko kung sino, bigla akong napangiti. Si nerd lang pala.

'Humanda ka ngayon.'

"Kuys, tigil mo muna" utos ni Kayzer na binalewala ko.

HATE ME NOT (BOLS #1)Where stories live. Discover now