49: Whole day with Her

449 70 10
                                    

CHAPTER 49

Whole day with Her

PRINCE POV

NANDITO AKO sa loob ng aking kwarto. Kakatapos ko lang maligo. Tama naman ang sinabi ni Lisa sa akin kagabi. A-absent kami ngayong araw at sa susunod pang mga araw. Para lang makapag-practice ng maigi.

Nakapagbihis na ako. Naka-sando lang ako at jogger pants ngayon. Paniguradong magiging mainit ang practice mamaya. Kailangan ng konsiderasyon at pagsasakripisyo sa practice na ito.

Si Jenny ang kasama ko, kaya dapat hindi ako magpapatalo sa sarili ko. Pasensya na lang siya kung mapagalitan ko. Pagdating sa sayaw, seryoso ako. Kahit practice lang yan-gusto ko maging perfect.

Nakaisip na ako ng mga steps kagabi. Natapos ko na nga eh. Kailangan ko na lang na turuan partner ko.

Nang makalabas ako ng kwarto, pinag-utos ko sa kasambahay namin na, dalhan na lang kami ng meryenda sa taas. At, huwag magpapapasok ng kahit na sino para lang maka-istorbo. Ayaw ko sa lahat ay iyong, istorbo.

Nagsimula na akong naglakad papuntang 4rth floor.

'Ayaw ko sa lahat ay iyong paghihintayin ako. Dapat, nandoon na siya sa dance studio ko...'

Pagdating ko, nakita ko siya na nakatayo sa may balkonahe na katapat ng dance studio.

Paniguradong magtataka si Marky kung bakit wala si Jenny at ako. Bahala na. Alam kong, maintindihan niya ako kung ipapaliwanag ko ng maigi.

Pangako, pagkatapos ng sabado... Hindi na magiging ganito ang trato ko sa kanya. Ayaw kong masanay ako na maging mabait sa kanya. Kagabi, nag-alala ako ng sobra sa kanya. Hindi rin ako makatulog kakaisip sa kalagayan niya.

Pinalayas siya sa kanila. At mabuti na lang din dahil ako ang nakakita sa kanya. Nabigla din ako dahil, tinawag niya ako sa gitna ng kawalan. Akala niya, umalis ako-pero hindi. Nasa loob ako ng kotse habang pinapanood siya. Doon ko naramdaman na, parang kailangan niya ako sa lahat ng oras.

Napailing agad ako. Hindi ko dapat isipin na kailangan niya ako. Hindi niya ako kailangan. Ginagawa ko lang ang trabaho ko bilang kapatid ni Lisa. Si Lisa, alalang-alala talaga sa nangyari. Ayaw kong makitang nasasaktan ang kapatid ko kaya ginagawa ko ito.

'Ang unfair ng mundong ito para sa'yo Jenny. At unfair din ito para sa akin. Hindi na dapat magtatagpo ang landas natin sa susunod...'

I cleared my throat bago lumapit sa kanya. Napalingon siya sa akin at daling iniwas ang tingin.

"I'll be strict today. So, do whatever I said. Understand?" malamig kong sabi sa kanya.

She nodded and smiled. "I know." pero hindi niya parin ako nilingon.

Napailing na lang ako. 'Ano bang problema niya? Hindi ba astig ayos ko? Pftt. Whatever...'

I sighed. "Sumunod ka sa akin sa loob" utos ko bago naunang lumakad papasok ng dance studio.

Nang nasa loob na ako, nakaramdam ako ng saya. At lumanghap ng hangin sa loob.

"Hindi parin nagbago ang amoy dito" sabi ko habang hinahawakan yung dingding.

May malawak na salamin sa harapan at makikita mo talaga ang bawat galaw mo dito. May malaking speaker sa gilid. Dito sa loob, makikita mo parin yung nasa labas. It is all made of glass. The door, is glass also. Kapag nasa loob ka at nagpatugtog ng malakas, hindi ka maririnig sa labas habang nakasara yung pintuan.

Paboritong tambayan ko ang palapag na ito.

Biglang tumunog ang pintuan kaya napunta sa kanya ang atensyon ko.

HATE ME NOT (BOLS #1)Where stories live. Discover now