55: Province of Tabor

461 65 7
                                    

CHAPTER 55

Province of Tabor


PRINCE POV

SA DINARAMI-RAMING pwedeng paraan ng pang-iinis sa kanya, bakit iyon pa ang ginawa ko? Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin. Sa tuwing nakikita ko siya, siya laging laman ng isip ko. Dahil ba sa nalaman kong, sinaktan niya si Marky? Tama. Iyon lang ang dahilan kung bakit ko iyon nagawa.

Gustong-gusto ko siyang iwasan at pinipigilan ko ang sarili kong kausapin o lapitan siya. Pero, hindi ko magawang iwasan ang sarili kong mga mata para tignan siya. Para akong walang kontrol sa sarili ko. Ang mga mata ko ay kusang tumitingin sa kanya.

Ano bang gayuma ang ginawa niya sakin? Simula noong party, naging ganito na ang nararamdaman ko para sa kanya. Anong ibig sabihin ng ganito?!

And that night, is my worst night ever. Hinalikan ko siya. Kung hindi ko lang nakontrol ang sarili ko, makukuha ko ang labi niya. Buti na lang, yung tungki ng ilong niya ang nahalikan ko.

Nakakatawa talaga 'yun. Kasi, yung mukha niya... hindi ko maipinta. Dapat nandiri ako sa ginawa ko pero, bigla na lang ako nakaramdam ng saya.

Agad akong napailing at sinampal ang sarili.

'Mali itong ganito. Hindi ako pwedeng magkaganito dahil lang sa babaeng 'yun...'

Biglang bumalik sa katinuan ang isip ko nang may kumatok sa pinto.

"KUYAAA!" boses ni Lisa.

Nakakainis rin si Lisa. Dahil pagkatapos ng family dinner, marami siyang tinanong sa akin. At halos si Jenny na rin ang bukang bibig niya. Maganda raw si Jenny. Well, totoo naman. Pero, pangit parin siya kapag naiinis.

"Kuya, Monday na ngayon! Bilisan mo diyan! Gusto kong sumabay sa'yo sa school!!! Mala-late ako dahil sa'yo ehhh!" paulit-ulit niyang sigaw sa labas.

Dali-dali akong tumayo.

"Bwisit! Ngayon na pala ang araw na pupunta kami doon sa probinsya!" nagmamadaling sabi ko sa aking sarili habang kumukuha ng damit.

Nakapag-ligpit na ako ng damit para ilagay sa maleta. Isang Linggo kami roon kaya di pwedeng paulit-ulit lang ang susuotin kong damit. Kahit na probinsya iyon, dapat magmukha parin akong hari.

"Kuya, papasukin mo na lang kaya ako? Tutulungan kitang magligpit ng damit!" sigaw na naman ni Lisa sa labas.

'Ang ingay talaga ng batang 'to..'

"Huwag na! Hintayin mo na lang ako sa baba!" sigaw ko pabalik.

"Okay!" rinig ko ang pagdadabog niya paalis.

Gusto niya lang sumama sa amin doon sa probinsya. Kaya lang, di pwede kasi bawal.

Buong akala ko, hindi ako hahayaan ni Mommy na makasama si Jenny. 'Yun pala, wala na siyang magawa kung hindi ang sumunod na lang kay lolo. Pftt.

Hindi ko alam kung bakit nadamay si Jenny sa usapan ng pamilya namin. Wala naman siyang ginawang masama sa kanila. Talagang, wala lang magawa sa buhay kung hindi ang mang-agrabyado ng isang tao.

Pero, hindi ko naman hahayaan na mandamay sila ng inosente dahil lang sa reputasyon.

Pumayag ako sa kasunduan ni Lolo. Kapag naging 20 na ako, ikakasal ako kay Sarah. Pumayag lang ako para hindi nila guguluhin si Lisa. Sana makita ko si Scarlet bago pa ako maikasal kay Sarah.

Kung hindi ko siya makita, wala akong magagawa. Kahit na wala akong nararamdaman kay Sarah, pakakasalan ko siya. Kaya sana, makaramdam ako ng sinasabi nilang pag-ibig sa tao. Kapag nakaramdam ako ng ganoon, ang taong iyon ang pakakasalan ko.

HATE ME NOT (BOLS #1)Where stories live. Discover now