48: Dance Partner

373 81 20
                                    

CHAPTER 48

Dance Partner




JENNY's POV

ANO BA ang nagawa ko!? Bakit ko ba nasabi na, boyfriend ko ang lalaking 'to!?

'Kainin sana ako ng lupa ngayonnn...'

Sabay kaming natahimik dalawa sa gilid ng daan. Hindi ko magawang makapagsalita.

'Bakit kaya napadpad si Prince dito?...'

Nakasuot parin ako ng P.E ngayon. Pagdating ko sa bahay kanina-hindi man lang ako nakapagpahinga, pinalayas na ako ni Mommy. Dala ko lang ngayon ay inhaler at cellphone ko. Nasa loob kasi sila ng bulsa ko.

Galit na galit si Mommy sa akin. Dahil nagsumbong sa kanya si Nathalie. Hindi ko alam kung ano pa ang sinabi ni Nathalie sa kanya. Alam na ni Nathalie na may asthma ako pero, bakit niya parin ako pinabayaan?!

Kanina, nang nasa school kami... pinagtulungan nila ako. Sinampal, tinulak nang wala namang kalaban-laban. Ayaw kong lumaban dahil alam ko sa sarili ko na talo ako.

Dumating si Prince kanina nu'ng kailangan ko ng tulong, at ngayon na hindi ko inaasahang pangyayari, dumating siya.

Marami na akong utang na loob sa kanya. Kaya, nakakahiya na.

Kanina pa ako naglalakad. Malayo na ang narating ko. Gusto kong pumunta kina Vince pero natatakot ako, baka mag-away sila ni Mommy dahil sa akin.

Si Prince 'yung lalaking ayaw sa akin. Pero, siya yung taong laging nandyan tuwing may nangyayari sa akin. Sa tuwing kasama ko siya, ligtas ako. Kagaya na lang ngayon. Ngunit, binalot ako ng kahihiyan dahil sa sinabi ko.

Akala ko kanina, susuntukin niya yung lalaki. Buti na lang, napigilan ko.

Nang nakaramdam ako ng kaba, dali-dali akong naglakad papalayo sa kanya.

'Kaklase ko siya, baka pagtawanan niya ako o di kaya'y ipagkalat sa school na pinalayas ako...'

"Hoy! Babae, saan ka pupunta ha!?" rinig ko ang inis niyang sigaw bago ako sinundan.

Kaya mas lalo kong binilisan ang paglalakad.

'Kainis naman oh. Hayaan mo na ako...'

"Huminto ka kung ayaw mong ibabato ko sayo ang batong hawak ko!" napahinto ako sa sinabi niya.

'Baliw talaga...'

Galit ko siyang nilingon.

"Salamat sa ginawa mo. Pwede ba, iwan mo na ako dito! Hindi kita kailangan. At huwag ka nang makialam!" galit kong sigaw sa kanya.

Napahinto siya sa tapat ko. "Sa tingin mo ba, hahayaan kita dito? Nakita mo naman ang nangyari sa'yo kanina diba? Gusto mo pa bang, may mga lasenggong lalapit sa'yo?! Muntik ka nang gahasain ng mga gunggong na iyon!" ramdam kong may galit sa boses niya.

Hindi ako makapaniwalang nasabi niya ito.

Malamang. Partner niya ako kaya kailangan ligtas ako para lang sa grado.

Napailing ako. "Alam mo, umalis ka na. Pwede ka naman magkunwaring hindi ako nakita diba?" mahinahong sabi ko.

Naalala ko yung sinabi sa akin ni Mommy kanina sa bahay kaya bigla akong napaiyak.

"Umalis ka naa! Hindi kita kailangan!" naiiyak kong sabi sa kanya bago siya tinalikuran at nagsimulang maglakad.

Ramdam ko parin na nakasunod siya sa akin. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo?! Umuwi ka na! Hindi kita kailangan---" hindi niya ako pinatapos magsalita.

HATE ME NOT (BOLS #1)Where stories live. Discover now