18: Partner

392 58 7
                                    

CHAPTER 18

Partner


JENNY's POV

PINIPIGILAN ko lang ang sarili kong umiyak dahil ayaw kong makita ng iba ang kahinaan ko.

Nagpatuloy parin si Kira kaka salita. "So, dahil nasabi ko na-"

"Ano, masaya ka na? Siguro naman hindi mo na kami magawang utusan." mariing pagputol ko sa sasabihin niya.

'Grabe siya. Kanina niya pa ginagawa samin ito. Kanina pa siya ganito...'

"Fine! Bye bye! hihihi. Shh nga pala kasi, library ito...ba-bushh!" marahang sabi niya pa sabay tawa.

Biglang tumahimik ang buong paligid. Ramdam ko na nakatingin siya sakin.

'Hindi. Hindi dapat ako matakot....diba?'

Biglang nagsalita si Pauline. "Prince, walang kasalanan si Jenny dito. Ako yung may kasalanan-"

"Oo nga Prince, si Pauline ang may kasalanan"

"Ano ka ba Jhon!"

"Ikaw naman talaga!"

"Oo alam ko, wag ka ngang sumabat diyan!"

Nag-uunahang sabi ni Jhon at Pauline.

Walang lumalabas sa bibig ko.

Biglang may dumating."Hey, anong kaguluhan ito? Nasa loob kayo ng library. Baka nakalimutan niyo ang patakaran dito." paliwanag nito sa amin.

"Sorry ma'am..." paumanhin ko.

"Kung mag-iingay ulit kayo, pwede na kayong umalis." masungit nitong giit bago umalis.

Napayuko na lang ako.

"Jenny, halika na..." hihilahin sana ako ni Pauline para umalis ng biglang nagsalita si Prince.

"Humanda ka." mariing bulong nito sa akin bago umalis kasama si Jhon.

"Jenny..." dali-dali akong niyakap ni Pauline. "Sorry, hindi ko alam na--"

"Hayaan mo na" pagputol ko sa sinabi niya. "Maghahanap pa tayo ng libro, diba? At saka, nangyari na eh" mahinahong sabi ko.

Pagkatapos naming maghanap ng libro, ay bumalik na kami sa klase namin.

Hindi ko muna iisipin ang nangyari sa library kanina. Lilipas din 'yon.

Hindi ko pa nakausap si Nathalie. Lalapitan ko sana siya kanina kaso kusa naman siyang lumalayo sa akin.

Isang hakbang na lang sana ang gagawin ko papasok sa classroom, nang biglang may humila sa akin patalikod.

Nauna na si Pauline sa loob kaya hindi niya narinig ang pagtawag ko sa kanya.

"Sino ka! Anong kailangan mo sa'kin?" tanong ko sa taong humila sa akin.

Hindi ako makaharap sa kanya dahil yung buhok ko MISMO ang hinila niya.

Hindi ko mahawakan ang kamay nito dahil may hawak akong libro.

"Kira, ikaw ba yan?" tanong ko. "Hindi pa ba sapat yung ginawa mo? Ano bang kailangan mo sa akin!?" tanong ko ulit. "Ano ba, masakit na ang ulo ko!" saad ko.

HATE ME NOT (BOLS #1)Where stories live. Discover now