65: Protector

341 68 21
                                    

CHAPTER 65

Protector

JENNY's POV

I SLOWLY OPENED my eyes. Why I'm here? What is this place?

Naramdaman ko na lang ang mahigpit na tali sa mga kamay ko. Sinubukan kong umalis sa kinauupuan ko at sinubukan kong alisin ang mga tali na nasa may likuran ko. Ngunit bigo ako.

"TULONGGGG!"

Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko. Umalingawngaw ang boses ko sa buong kwarto.

Natatakot ako. Naalala ko yung paghabol ko sa lalaki kanina. Napakawalang hiya nila. Anong kasalanan ko sa mga taong iyon!

*CLAPS*

Inangat ko ang aking tingin para tingnan ang dumating. Pumalakpak ito habang papalapit sa akin. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil sa madilim na paligid. Naka-sentro sa akin ang ilaw.

"Sino ka?!" natatakot kong sigaw rito.

"HAHAHAHAH" pagtawa nito na aking ikinagulat. Alam na alam ko kung kaninong tawa 'to.

"S-sarah?" hindi makapaniwala kong tanong.

"Bingo! Ang galing mo talagang manghula, Jenny. HAHAHAHAH!" pagtawa niya ulit na para bang nasasapian siya.

"Bakit ako nandito Sarah? Bakit mo ginagawa sa'kin ito? Anong kasalanan ko sa'yo!" tanong ko sa kanya na agad niyang ikinatawa.

"HAHAHA! Kalma ka lang Jenny. Nalilito ako sa tanong mo eh hahah! Pwede ba, isa-isa lang?" ngiting tanong niya.

'Nababaliw na siya...'

Biglang umilaw ang buong paligid.

"Ngayon Jenny, klaro na ba ang mukha ko?" sarkastiko nitong sabi.

"Oo, klarong-klaro na ang sungay mo." giit ko na ikinatuwa niya.

"Ganyan nga Jenny. Pasayahin mo ako para ma-challenge ako." saad niya.

I looked at her angrily. "Stop doing this Sarah. Malala ka na. Wala akong ginawa sa'yo. Bakit mo pa kailangan gawin ito? Diba, aalis ka na?" tanong ko rito.

"Gusto ko, aalis akong masaya. At habang buhay ka pa. Hindi ako sasaya! And you know what? Kung mamamatay ka man ngayon, wala akong kasalanan. Dahil, si Prince ang may kasalanan ng lahat. Mahal ka niya, at alam ko iyon! Kaya, papatayin kita ngayon. Para ako ang mamahalin niya!" isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko.

Dinaramdam ko iyong sakit at bigla na lang may luha sa mga mata ko.

'Talaga bang mahal ako ng Prince na iyon? Ayaw kong maniwala. Hindi iyon totoo...'

"Oh diba, natahimik ka?" ngiting sabi niya.

"Tumigil ka na sa kabilawan mo. Mali lang yang iniisip mo. Hindi ako mahal ni Prince. Dahil ikaw yung pakakasalan niya. Atsaka, bata pa tayo para pumasok sa pag-ibig na iyan." ani ko rito habang tinitiis ko ang nararamdamang sakit sa buong katawan.

She laughed mockingly. "Wala kang pakialam sa iisipin ko. Paniniwalaan ko kung ano ang gusto kong paniwalaan." saad niya habang nakangiti. "Grabe, ang saya-saya ng araw ko ngayon..." papalapit siya sa may mesa na nasa!di kalayuan. Habang tumatawa.

Nakaramdam na ako ng takot. Anong binabalak ni Sarah sa akin? Ang dami niyang masasamang balak. Ganoon na ba ako kasama sa kanya para gawin ito sa akin?

"Sarah, pakiusap... huwag mo nang ituloy ang binabalak mo..." pakiusap ko sa kanya. "Alam kong mabuti kang tao. Huwag kang----" nagsalita siya kaya napahinto ako.

HATE ME NOT (BOLS #1)Where stories live. Discover now