13: Invited to Come Along

413 66 5
                                    

CHAPTER 13

Invited to come along

JENNY's POV

BA'T GANUN ang taong yun?!

Kaninang umaga pagkatapos kong magbihis, hindi muna ako lumabas ng kwarto. Ti-next ko sina Missy na, mamaya na akong kumain. Ayaw kong ikwento sa kanila ang nangyari. Hindi naman mahalaga yun.

Sadyang demonyo lang talaga ang nakabangga ko.

Ang nakakainis pa, nung lumabas ako nakasalubong ko ang Seventeens sa daan. Nakabangga ko pa si Marky. Pero ayos lang dahil siya yung nakabangga ko hindi si Prince.

Pagkatapos ng pangyayaring yun, hindi ko pa sila nakita hanggang ngayon na dumidilim na.

'Malamang hindi ko sila nakikita dahil hindi naman ako lumabas..'

Sina Missy lang yung nasa labas dahil ayaw ko talagang makita yung demonyong yun.

Biglang nag-ring ang cellphone ko kaya dali-dali kong tiningnan kung sino.

Naalala ko na naman yung araw na humingi si Marky ng number ko kaso wala akong mabigay dahil wala pa akong cp. Hayst. Nakakahiya talaga yun.

Biglang lumawak ang ngiti ko dahil nakita ko ang pangalan ni Dad.

"Hi, Daddy! Kumusta ka na? Miss na kita!" tuwang sabi ko sa tawag.

"Ayos lang ako dito anak. Miss na rin kita" bakas sa boses niya ang lungkot.

'Dapat matuwa si Dad pero bakit parang ang lungkot ng boses niya?..'

"Dad... May problema po ba? Umuwi na lang po kayo dito. Gusto ko pag-uwi ko sa bahay, andun kayo" mahinahong sabi ko.

"Pagpasensyahan mo na si Daddy anak ha? Kailangan kong pumunta dito para sa kinabukasan mo at ni Nathalie" bakas parin sa boses niya ang lungkot.

"Dad, wag po kayong ganyan. Dapat masaya kayo dahil tumawag ka-"

"Kumusta ka na pala diyan anak? How's your sleep kagabi? Di ka pa naman sanay matulog sa dimo bahay" dali-dali niyang tanong.

Alam kong iniiba lang ni Dad yung usapan para hindi ako mag-alala.

Huminga ako ng malalim bago sinagot ang tanong niya. "I'm fine Dad. Don't worry about me. Kasama ko sina Missy at Pauline dito. At welcome na welcome kami dito sa Boracay" ngiting sabi ko.

"That's great. Jenny, may sasabihin nga pala ako sayo." rinig ko sa kabilang linya ang kanyang pagbuntong hininga.

"Sige Dad, sabihin niyo lang po... makikinig ako" pilit na ngiti kong sabi.

'Pakiramdam ko, parang may problema talaga si Dad'

"Anak I'm really sorry. Kailangan kong gawin ang trabaho ko dito. And then, mukhang matatagalan ang uwi ko diyan sa Pinas. There's a bit problem here na kailangan kong gawin but, don't worry I can handle all of this. Jenny, please wag mong sabihin sa Mom mo na may problema ang sabihin mo lang, matatagalan ako. Okay?" rinig na rinig ko ang kanyang malakas na buntong-hininga.

HATE ME NOT (BOLS #1)Where stories live. Discover now